"Just one kiss"

9.6K 16 0
                                    

"Happy Birthday Moe" "Happy Birthday Elmo" "Happy Birthday Mosey" "Happy Birthday Moses"

Yan ang naririnig ni Elmo mula pa kahapon sa Shooting ng JOS hanggang sa pagising niya sakanilang bahay. Nang siya ay magising binati siya agad ng Mommy niya at ng mga kapatid niya. Sinabi ng Mommy niya sakanya na kakain sila sa labas mamayang dinner. Pumayag naman si Elmo. Alam niya na marami ang babati sakanya ngayon kaya pumunta muna siya sa kwarto niya at humiga sandali habang hawak ang kanyang cellphone.

Elmo : Sino sino kaya ang bumati sakin ?

Tiningnan niya lahat ng tweets na galing sa mga kaibigan niya. Binati siya ng Happy Birthday ng mga ito. Binasa niya lahat pati tweets sakanyang ng adiks. Natatawa nalang si Elmo sa mga nababasa niya galing sa mga fan nila ni Julie.

"Elmo ! Happy Birthday ! Legal ka ng binata !"

"Moe ! Happy birthday ! Binata ka na kaya ligawan mo na si Julie !"

"Wafu ! binati ka na ba ng Pillows mo ? haha ! happy birthday ! enjoy !"

"Wafu ! may date ba kayo ngayon ng Pillows mo ? yiiie !! Happy B-day !"

Ilan lang yan sa mga tweets na nabasa ni Elmo mula sa mga Fans nila ni Julie. Tawa lang siya ng tawa. May isang tweet siyang hinahanap pero hindi pa niya nakikita. Nalungkot siya kasi wala man lang siyang “HAPPY BIRTHDAY” mula dun sa taong espesyal sakanya.

Elmo : Bakit kaya hindi pa niya ko binabati ? Asar naman ! siya pa naman yung inaasahan kong unang babati sakin ;(( Pero mahaba pa naman ang araw baka mamaya bumati na din yun.

Para malibang si Elmo isa isa niyang nireplyan ang mga tweets ng malalapit niyang kaibigan. Tanghali na pero wala pa rin yung hinihintay na tweet ni Elmo. Nakakain at nakaidlip na siya pero wala pa din. Binuksan niya ulit ang twitter niya at may nakita siyang tweet.

Elmo : hmm..nauna pa si Lauren na batiin ako kesa sakanya ! asar !!!! Nakalimutan na ba niya na birthday ko ngayon ? ;(( Haysst ! kapag nagkita tayo lagot ka talaga sakin!

Saab : Sino kausap mo ?

Elmo : Wala.

Saab : Oh ? bakit ang sungit mo atah birthday boy ?

Elmo : hindi naman.

Saab : Sabi mo eh !

Elmo’POV : Hanggang 7pm ! Kapag umabot ng 7pm at wala parin siyang tweet sakin …hindi ko siya kakausapin at papansinin !

5pm na nang maisipan ni Ms. Pia na kumain na sila sa labas. Lahat sila kumpleto. Dinala nila si Elmo sa isang restaurant na walang tao. Naka private ito. May mga balloons siyang nakikita.

Elmo : Mom ?

Ms. Pia : Happy Birthday ulit Moe ! *kiss sa noo ng anak*

Elmo : Thanks Mom !

Maxx/Saab/Frank : HAPPY BIRTHDAY MOE !

Elmo : Thanks Guys !

Arkin/Clara : Happy Birthday Big Bro ! ;))

Elmo : Thank you Arkin ! Thank You Clars ! ;))

Nagsimula na silang kumain at magbigayan ng regalo.

Elmo : Wow ! thank you sa Gifts !! ayy wait Mom bakit po ba naka private pa toh eh ilan lang naman tayo na nakain dito.

Ms. Pia : May darating pa kasi tayong bisita mamaya.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon