"Commoner"

1K 37 0
                                    


"Commoner"

"Baby.."

Ngumiti siya sakin. Huminto kami sa paglalakad at tiningnan niya ko. Mata sa mata. Kung wala lang akong mahalagang sasabihin sakanya malamang kanina pa ko natumba. Nakakatunaw kasi ang mga ganyang tingin. Yung tingin na para bang ikaw lang ang taong nakikita niya.

"Alam ko na. Hindi mo na kailangan pang mag-alala."

"Hmm? Paano mo nalaman?"

"Derrick told me. Alam mo naman barkada ko yun so magsasabi talaga siya sakin."

Napangiti ako. "Akala ko magagalit ka kapag sinabi ko sayo."

Umiling siya. "Why would I? May tiwala naman ako sakanya."

"That's good to know. Anyway, nag text sakin si Tita P. Kailangan mo umuwi ng maaga so wag mo na hintayin na matapos ang rehearsal."

Tumango naman siya. "Yup. Nagtext din siya sakin. Gusto ko nga na ako ang maghatid sayo eh."

Natawa ako. "Ano ka ba, okay lang noh. Hassle na nga sayo yung dalhan ako ng food dito eh. That was very thoughtful, Moe. Thank you."

Hinalikan niya ang kamay ko.

"Anything for you."

Nagsimula na ko mag rehears. Nakikita ko siya na naghihikab na. Siguro hindi nanaman ito natulog. Gawain niya kasi na kapag free time niya naglalaro siya ng mga games niya sa computer. Gusto ko man siya pagalitan pero mas pinili ko na pabayaan siya dahil mas gugustuhin ko pa na yun ang pagkaabalahan niya kesa mambabae siya.

"Hey, gabi na oh. Uwi ka na."

Tumayo siya at kinuha ang kamay ko. Inilapit niya ko sakanya.

"Nagtext ako kay Mommy. Sabi ko sakanya na ako na ang maghahatid sayo. Hindi nalang muna ko makakapunta bukas."

Tumango naman ako. "Okay lang naman sakin yun baby. Magpahinga ka muna."

Ngumiti siya. "Sige na, gawin mo na ang dapat mong gawin. Kukuha muna ko ng coffee."

Napabuntong hininga ako. Alam ko naman kasi na hindi siya makikinig sakin. Nagsimula na kami. Kasama ko si Derrick. Tumingin ako sa gawi kung saan nakaupo si Elmo. Wala siya doon.

"Julie? Are you okay?"

Napabalik ako sa pag iisip ko.

"Ohh. Opo."

Bumulong sakin si Derrick. "Nasa dressing room mo ata siya."

Napatingin ako sakanya.

"Nakita ko siya na paakyat kanina."

"Thanks. Pwede ko muna kaya siya puntahan?"

"Mas mabuti kung tapusin na kaagad natin ito tapos tska mo siya puntahan para uwi na kaagad kayo."

"Sige sige."

Natapos kami mag rehears ni Derrick at agad akong tumakbo paakyat sa dressing room ko. Pagbukas na pagbukas ko nakita ko siya na natutulog sa may sofa. Mukhang antok na antok siya.

"Moe..baby.."

Minulat niya ang mata niya at pilit na ngumiti sakin.

"Are you okay? Let's go home na para makapag pahinga ka na. I'll drive you home."

Umiling siya. "Come home with me."

"H..Ha?"

"Sa condo ko na ikaw matulog."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now