"Blinded"

6.1K 44 9
                                    

"Blinded"

Pareho kaming napatigil sa paglalakad ng magkasalubong kami. Tumingin ako sakanya. Tumingin siya sakin. Parehong seryoso ang mukha namin.

"Ayy. Sorry."

Napalingon kami sa nagsalita. Aalis na dapat siya pero pinigilan ko.

"Sandali lang."

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Tumingin ako sakanya pati na din sa kaharap ko.

"Mag-usap tayo."

Nandito kami ngayon sa green room. Walang tao kaya pumasok kami. Tatlo kaming tahimik dahil hindi namin alam kung ano nga ba ang sasabihin. Well, ako meron naman akong naisip na sabihin.

"Uhm..anong meron?"

Tiningnan ko siya. "Gusto mo ba siya?"

"Ha?"

"Si Elmo."

Ngumiti siya sakin at umiling.

"Kapatid lang ang turing ko sakanya."

"Hindi mo siya nagustuhan?"

"Marami akong nakikitang dahilan para magustuhan si Elmo. Mabait siya. Gwapo. At mga katangian na masasabi mong magugustuhan mo sa isang lalaki ay nasa kanya na. Pero hanggang dun lang talaga ako. Kapatid. Ayoko naman na ilevel up ang relasyon namin lalo na at alam kong wala din naman siyang nararamdaman para sakin."

Tumango naman ako. Mabuti naman yung malinaw. Tumingin ako sa kanan ko.

"Ikaw?"

Tumingin siya sakin. "Hmm?"

"Ahh..mabuti pa lumabas muna ko para makapag-usap kayong dalawa."

"Dito ka lang Janine. Gusto ko marinig mo din ang side niya. So ano? Ikaw ba? Gusto mo ba si Moe? O dapat kong tanungin kung Mahal mo parin ba si Moe?"

"Lauren.."

"Come on Julie! Sumagot ka! Tayong tatlo lang naman ang nandito. Mahirap na yung tanong ko? Nahihirapan ka ba?"

Umiling siya. Nakita ko ang pagyuko niya sabay tingin sakin.

"Oo."

Napataas naman ang kilay ko.

"Kung totoong mahal mo siya, bakit sumusuko ka na sakanya?"

"Hindi ako sumusuko Lauren. Tinatanggap ko lang na lahat tayo may pribadong buhay. Kailangan mong gumawa ng mga bagay na magpapasaya sayo at hindi mga bagay na pinipilit sayo para maging masaya ka."

Mahina akong napatawa. "Bakit? Hindi ka ba niya napapasaya? Hindi ba siya kasama sa mga nagpapasaya sayo?"

"Lo.."

"Alam mo bang hanggang ngayon may galit ako sayo? Sige! Bitter na kung bitter pero yun talaga ang nararamdaman ko sayo. Naiinis ako sayo. Nagagalit. Naiingit. Alam mo kung bakit? Kasi kinuha mo yung nagpapasaya sakin. Kinuha mo siya kasi mas napapasaya mo siya. Hindi mo man sadya, naiinis pa din ako."

"Lauren.."

Hindi ko alam pero para bang nagbalik lahat ng sakit na naramdaman ko nung araw na sabihin niya sakin na pinipili niya si Julie. Yung araw na itinapon niya ang lahat ng pinagsamahan namin para sa ka tandem niya. Ang totoo niyan, hindi na dahil dun kung bakit ako nagagalit ngayon kay Julie. Nagagalit ako sakanya kasi ang tanga tanga niya. Ang tanga niya kasi...kasi ganyan siya.

"Julie Anne, para sabihin ko lang sayo hindi lang ikaw ang nasasaktan sainyong dalawa. Wag mong solohin. Sana naiintindihan mo na bawat salita na binibitawan mo tumutusok yun sa puso niya. Nagtataka ka ba kung bakit alam ko? Kasi kilala ko na siya. Kung nahihirapan ka edi sukuan mo na siya. Ibalik mo nalang siya sakin. Pero yung nakakatawang part? Alam mo ba kung ano? Kahit anong taboy ang gawin mo sakanya, babalik at babalik pa din siya sayo."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now