"Decision"

6.1K 43 4
                                    

"Decision"

Love is not a feeling..

Love is more of a decision...

A behavior.

"What? Nandito ka? Ok sige, pupuntahan kita."

Binaba ko kaagad ang tawag niya. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas. May mga bloggers and fans na naghihintay sakin.

"Si Mama po?"

"Nasa labas kausap yung mga fans mo." Sabi nung isang staff.

Napatango naman ako. Nag text ako kay Mama na puntahan ako dito. Maya maya dumating na siya.

"Oh? Tapos ka na? Inaantay ka na ng mga fans mo sa labas."

Umiling naman ako. "Hindi pa po ako tapos. Ma, favor naman po ohh.."

"Ano yun?"

Napakagat labi ako. Huminga muna ko ng malalim bago magsalita.

"Nandito po siya."

"Ha?"

Nakita ko ang pagkagulat ni Mama. Dinala muna niya ko sa isang sulok.

"Nandito siya?"

"Opo."

"So anong gusto mong gawin? Puntahan siya?"

Dahan dahan akong tumango. Natatakot ako na baka hindi siya pumayag.

"Saan ba? Sigurado ka bang hindi kayo mahuhuli niyan?"

Napangiti naman ako. "Pumapayag ka po na makita ko siya?"

"Ano pa nga ba? Basta bilisan mo lang ah? Delikado ka kasi nandito ang mga bloggers at fans mo. Alam mo naman ang lalakas ng pang-amoy nila."

Natawa naman ako. "Opo. Sandali lang naman po ako."

"Oo sige na. Ako na muna ang kakausap sakanila habang wala pa. Tingin ko hindi pa din naman kumpleto yung mga bloggers mo eh."

"Yes po."

May tagong hagdanan kaya pwede akong bumaba dun. Nasa 10th floor daw siya. Walang tao. Tumingin ako sa paligid pero wala naman siya. Kukunin ko na sana yung cellphone ko ng bigla may humatak sakin papasok sa fire exit.

"Awat na.." Sabi niya.

Tumingin naman ako sakanya ng masama.

"So kailangan talaga nanghahatak ka?"

"Sorry na..baka kasi may makakita sa atin eh."

"Hmm. Ano ba kasing ginagawa mo dito? Alam mo bang malalagot tayo kapag nalaman nila ito? May fans ako dito at bloggers."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Namimiss na kasi kita eh..hindi ko ba ko namimiss?"

Heto nanaman po kami. Naglalambing nananam siya. Nagpapacute. Para sabihin ko sayo hindi ka cute! Gwapo ka kaya.

"Hindi mo naman sinagot yung tanong ko eh."

Natawa naman siya. "Nasagot ko naman ah? Sabi ko namiss kita. At kung pwede lang wag ka na ngang matakot. Nandito naman ako eh."

"Baliw. Kakasagot ko lang sa article tungkol sainyo ni Janine tapos ganito? Edi sabihin nanlokoko tayo!"

"Bakit? Hindi ba? Nanloloko naman talaga tayo ah? No. Not loko. More of..a secret? Hidden truth?"

"Kahit na.."

Hinalikan niya ang kamay ko. "Julie, trust me ok? Walang mangyayaring hindi maganda. Pwede bang isipin nalang muna natin ang mga sarili natin? Tulad nga ng sabi ko kanina, miss na kita."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon