"Bite"

1.8K 55 0
                                    

"Bite" 


"Can you stop wearing sexy outfits?"


Nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko. Naninigaw nanaman kasi ang kausap ko sa phone. 


"Tatawag ka lang ba para sigawan ako?" 


"Tsk. Bakit kasi ganyan ang suot mo eh?" 


"Hello?! Eh ito yung kailangan kong suotin eh. Bakit ba?" 


"Alam mo naman na ayokong nakikitang nagsusuot ka ng ganyan ka-sexy tapos ipapalandakan mo pa sa IG mo." 


Napakunot noo ako. "Ano naman?" 


"Basta ayoko lang na may nakakakita! Paano kung pagpantasyahan ka ng mga nagkakagusto sayo? Ano ba naman Julie Anne!"


Napailing nalang ako. Hindi ko na nagugustuhan ang tono ng pananalita niya. 


"Alam mo kung wala kang sasabihin na maganda sana hindi ka nalang tumawag." 


"Concern lang ako sayo!" 


"Concern ba tawag diyan? Parang hindi naman eh. Parang ang sinasabi mo payag ako na pagpantasyahan ng mga lalaki." 


"Wala akong sinasabi ganun." 


"Pero yun ang gusto mong iparating!" 


Narinig ko na nagbuntong hininga siya. 


"Wala akong sinasabing ganun. Ang gusto ko lang sabihin ay sana hindi ka na nagpost sa IG ng ganun. Ayoko lang na mabastos ka. At sana naisip mo na nag-aalala ang boyfriend mo sayo." 


Binaba niya ang tawag. Tiningnan ko ang cellphone ko. Ako nanaman ba ang may kasalanan? Binaba ko ang cellphone ko sa mesa. Napailing nalang ako. 


"Hindi ko maintindihan.." 


"Uhm, excuse me, Ma'am?" 


Tumingin ako sa crew na nasa harapan ko.


"Yes?" 


"Burger po." 


Ngumiti ako sakanya. "Salamat." 


Tiningnan ko lang yung burger. Hindi nanaman ako makakain ng maayos lalo na kapag naiisip ko yung pagtatalo namin kanina. 


"Ma'am? May problema po ba kayo?" 


Tumingin ako sa crew. "Ano yun?" 


"Hindi naman po sa nanghihimasok ako. Pero kanina po kasi ang sigla niyo ngayon naman po ang tamlay niyo. May problema po ba?" 

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon