"Perhaps Love"

10.4K 24 0
                                    

"Ako na" ngumiti ito tska kinuha ang kamay ng kasama.

"Sige." At umalis na siya.

"Tara? Ako na ang maghahatid sayo?"

Humawak ang dalaga sa braso ng binata. Tinitingnan niya lang ito habang naglalakad sila.

"Sandali nga." At huminto ang dalaga sa paglalakad. "Bakit mo naman ginawa yun?"

Ngumiti lang ang binata na kinasimangot naman ng dalaga. Nagtataka siya sa kinilos nito kanina at kailangan niya talaga ng kasagutan sa mga pinagagawa nito.

"Wala lang." At ngumiti ito.

"Wag mo nga akong niloloko. Bakit nga kasi?"

Lumapit ang binata sakanya tsaka kinurot ang ilong nito.

"Hahaha! Cute mo." At nauna na itong naglakad. "Una na muna ko sayo, mukhang ayaw mo pa magbihis."

"Hmm! Tinatanong mo ayaw sumagot ng maayos!" sigaw ng dalaga.

Lumingon siya. "Sinagot ko naman ah! Sabi ko ang cute mo!" sabay ngiti.

Kinuha niya ang mga sagabal na mahahabang tela na nakalaylay sa gown niya at hinawakan ito para makapaglakad siya ng maayos. Medyo malayo na ang kasama kaya sumigaw siya ulit.

"Magalona! Para sabihin ko sayo. Hindi ako cute! MACHO AKO!!"

Lumingon ulit si Elmo at nginitian lang si Julie. Naiinis nanaman si Julie dahil yung ngiti ni Elmo, ngiting nang-aasar. Nang makarating sa dressing room sinarado ni Julie ang pintuan na para bang nagdadabog. Napansin naman yun ng mga tao sa loob.

"Huy Julie!" sabi ni Rita. "Anyare?"

Umupo si Julie na nakasimangot. "Wala."

Tumabi naman si Maqui sakanya. "Echosera ka din eh! Yung totoo nga kasi! Ano ba yun? Anyare nanaman sayo?"

"Si Elmo kasi eh!" sabay pout.

Bigla naman napatawa si Rita at Maqui. "HAHAHAHA!!"

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Wa-wala naman! Hahaha!" sabi ni Rita.

"Eh bakit kayo natatawa?"

Tinapik ni Maqui si Julie habang tumatawa. "Eh kasi naman Japs! Si Elmo nanaman? Ano nanaman ba ang ginawa sayo nun?"

"Wala. Hayaan niyo nalang! Kainis siya."

"Sus! Kahit naman naiinis ka dyan sa Bestfriend mo hindi mo naman matitiis yan!" sabi ni Rita. "Oh wait.."

Napatingin si Julie kay Rita at Maqui na ngayon ay mukhang ewan dahil sa tinginan nilang dalawa. Nagulat si Julie ng biglang nagsalita yung dalawa.

"Bestfriend?" sabay na natawa yung dalawa.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa dalawang ito. Minabuti ko nalang na magbihis ng umalis sa dressing room. Maloloka kasi ako sa dalawang yun kung hindi pa ako aalis. Umupo muna ko dun sa may backstage at doon ako nanuod ng mga nag p.perform ngayon sa stage.

"May TV naman sa dressing room ah? Bakit hindi ka dun manuod?"

Tumingin ako sa likod ko. "Pake mo?"

"Hahaha! Galit ka ba?"

"Ay hindi! Hindi halata!" at nagpatuloy ulit ako sa panunuod.

"Wag ka ng magalit. Sure naman ako na magugustuhan mo yung dahilan kung bakit kita ginagalit"

Tiningnan ko siya ng masama. "Alam mo Moe, kahit sinong tao ang sabihan mo ng ganyan magagalit talaga sayo! At sinong tao ang gugustuhin na galitin?"

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now