"Home"

1.7K 69 1
                                    

"Home"

"Shit! Where is she?"

Nandito ako ngayon sa bahay ng mahal ko pero yung mahal ko wala dito. Kanina pa siya nawawala.

"Moe? Any news?"

Tumingin ako sa likod ko.

"Pa.."

Hinawakan niya ang balikat ko.

"Dapat talaga hindi ko hinayaan na gamitin niya yung kotse eh."

Napasandal naman ako sa kotse ko.

"Nasaan na kaya siya?"

"Anak, nag-away ba kayo? May problema nanaman ba kayo?"

Umiling naman ako. "Pa, wala po kaming problema. Hindi lang po kami madalas na nakakapag usap kasi busy siya and I understand that. Pagkatapos niyang bumalik galing sa new york, ganyan na po siya. She's cold. Laging tulala kapag magkasama kami. Inisip ko po pagod lang siya."

Napabuntong hininga naman si Tito Jonathan.

"Ganun din siya dito sa bahay. Tulala at wala sa sarili."

Naiinis ako. Hindi ko alam kung anonh nangyayari sa girlfriend ko. Hindi ko na nakayanan at nasipa ko ang gulong ng kotse ko. Naiiyak na ko.

"Moe!" Pigil sakin ni Papa.

"Pa, mahal na mahal ko po si Julie."

Tumango tango naman siya.

"Alam namin Moe. Alam namin."

"Hindi ko po kakayanin kung may mangyayari sakanya. Kung mawawala siya sakin."

Nakita namin si Mama Ivic na palabas ng bahay.

"Moe! Hon!"

Lumapit siya samin.

"Alam na ni Maqui kung nasaan si Julie. Tumawag siya sakin."

Nagliwanag naman ang mukha ko.

"Nasaan po siya, Mama?"

"Nasa bar daw."

Nanigas naman ako dun. Si Julie? Nag bar? Ganun na ba kagrabe ang dinadala ng girlfriend ko? Tumingin naman sakin si Papa. Tinapik niya ang balikat ko.

"Nakita na siya. Papalampasin ko ang ginawa ngayon ni Julie dahil alam ko kung may pinagdadaan siya ngayon kayong dalawa lang ang makaka ayos nun. Ikaw na ang bahala. Iuwi mo na siya sayo. Bring her home, Anak."

Tumango naman ako. Agad akong pumasok sa sasakyan ko. Bago ako nag start magmaneho tiningnan ko ang cellphone ko na may picture ni Julie.

"Julie Anne.."

Nagmaneho na ko. Hindi ko na kailangan pang alamin kung saan siya pumuntang bar. Alam ko na sa bar kung saan ako pumunpunta, dun lang din siya. Pero yun ang least na naisip ko na pupuntahan niya. Dahil madaling araw na, mabilis lang ang byahe kaya nakarating ako kaagad.

"Sir? Mabuti nandito na kayo."

Napakunot noo naman ako sa sinabi ng guard. Kilala na ko dito.

"Bakit?"

"Kanina pa po kasi dito ang girlfriend niyo."

Tumango naman ako at pumasok na sa loob. Hinanap ko si Julie. Maya maya may nakita ako na babaeng naka blue. Simple lang ang suot niya. Leggings na white lang at medyo sexy na blue top. Alam ko na siya yun dahil kasama niya ko na bumili nun.

"Baby.."

Lumapit ako sakanya. Nakayuko na siya. Tumingin ako sa hawak niya sakanyang kamay.

"Anong iniinom niya?"

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon