"Lost Stars"

2.4K 55 1
                                    

"Lost Stars"

MERRY CHRISTMAS!

"Merry Christmas!"

Maaga kami nag celebrate ng christmas dinner. Ngumiti ako sakanya. Niyakap ko siya at bumulong sakanya.

"Thanks."

Hinarap niya ko sakanya. Tinapik niya ang balikat ko.

"Follow what your heart tells you, Moe."

Ngumiti ako sakanya at napailing nalang. Pumunta ako sa veranda. Tumingin ako sa langit. Wala akong masyadong makitang stars ngayon. Naramdaman ko na sumunod siya sakin at tiningnan kung ano ang tinitingnan ko.

"Bakit napaka importante ata sayo ng mga stars?"

"It reminds me of me and her."

"Ha?"

Tumingin ako sakanya.

"She's the star of my life. Kahit pa ang layo layo na niya sakin, kahit na ang layo layo na namin sa isa't isa, siya parin. Siya parin ang star ng buhay ko na nagbibigay ng liwanag sa madilim ko na mundo."

"Moe.."

Napabuntong hininga nalang ako. Alam ko naman kasi na wala na. Na kakailanganin nanaman namin maghintay ng matagal ng panahon.

"Hindi ko na alam kung hanggang kelan kami maghihintay..kung hanggang kelan kami susubukin ng tadhana. Kung hanggang kelan may mga taong humahadlang samin."

"Mosey."

Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko si Mom sa may pinto ng veranda. Lumapit siya sakin.

"If you really want to see her then go."

Napakunot noo ako.

"Mom?"

Ngumiti siya sakin.

"Merry Christmas Son"

Agad kong niyakap si Mommy at umalis na kaagad. Bumaba ako papunta sa kotse. Bago ako sumakay tumingin ako sa veranda.

"Mommy! Max! Salamat talaga!"

Ngumiti sila sakin at nagpaalam. Sumakay ako sa kotse ko at tinahak ang daan papunta sa taong mahal na mahal ko. Mabilis lang ang byahe at nakarating ako kaagad. Nadatnan ko si Mama na nasa labas ng bahay. Bumaba ako sa kotse at tinawag siya.

"Mama Ivic!"

Napatingin siya sakin. Agad akong lumapit sakanya at nagbeso.

"Nak? Anong ginagawa mo dito? Tumakas ka nanaman ba tulad ng ginagawa mo noon?"

Umiling ako. "Hindi po. May basbas po nila na pwede akong pumunta dito."

Ngumiti siya. "Mabuti naman kung ganun."

"Ma? Bakit nandito po kayo sa labas?"

Nawala ang ngiti niya at biglang tingin sa relo.

"Hindi pa kasi umuuwi si Julie eh."

Nagulat naman ako. "Po? Nasaan po siya? Bakit hindi pa siya umuuwi? Anong oras na ah?"

"Nagpaalam siya sakin na aalis lang siya sandali, eh kanina pa yun."

Kinabahan naman ako bigla. Nasaan siya?

"Moe, ikaw lang ang makakahanap sa anak ko."

Hindi ko alam kung saan ako patungo. Wala naman kasi akong idea kung saan siya pupunta pero isa lang ang alam ko, nasa lugar siya na alam kong mahahanap ko siya. Pero saan? Bago ako umalis kala Julie pumasok muna ko sa bahay nila. Pumunta kami sa kwarto niya baka kasi may bagay dun na pwedeng magbigay samin ng clue kung nasaan si Julie ngayon hanggang sa may napansin ako sa gilid ng kama niya.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now