"Endlessly"

1.2K 48 0
                                    


"Endlessly"

"Oo nga! Malay mo dumalaw siya? Ayieee."

"Mamu naman eh, stop na kinikilig ako eh."

"Ay teka, ano itong nakikita ko? Ang alam ko masaya dapat tayo pero bakit may isang tao na parang binagsakan ng langit at lupa?"

"Oo nga noh Mamu? Hulyeta? Ayos ka lang?"

Napatingin ako kala Mamu Ai at Barbie. Tinabihan nila ako.

"Baby girl? Anong nangyari?"

Napabuntong hininga ako. "Paano ba naman kasi valentines na valentines nakalimutan niya."

"Sino?"

Umiling nalang ako. "Ganyan naman talaga sila. Sa una kakaibiganin ka tapos liligawan ka tapos magiging kayo tapos iiwanan ka. Ganyan naman eh."

"Hahahahahahaha!"

Bigla akong napatingin sa dalawa kong kasama.

"Ano ba yan? Alam kong sasabihin mo yan mamaya sa MIB segment pero grabe ah? Pang malakasan yung sinabi mo." Sabi ni Barbie.

"Baby girl, maghintay ka lang mamaya nandyan na pala siya."

"True! Oh kaya mamaya may surprise pala siya sayo."

Tumayo naman ako.

"Hindi ko alam Mamu, barbara. Busy kasi siya eh."

Tinapik nila ang balikat ko.

"Edi kung wala date nalang kayo ng family mo."

"Yun nalang ata ang mangyayari."

"Hayy."

Umalis na sila at nag rehears. Naglakad lakad naman ako para mabawasan ang sama ng loob ko. May isang heart na balloon ang naiwan sa may pintuan ng dressing room ko. Kinuha ko naman ito.

"May boyfriend nga ako kaso di ko naman makakasama."

Pumasok na ko sa dressing room ko. Nagbihis na ko kasi malapit na mag start ang SPS. Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala man lang kahit isang bati.

"Julie! Start na!"

Sumunod naman na ko. Naghintay ako sa may backstage. Medyo nahilo ako sa ginawa ko halos matumba ako.

"JULIE!"

Bigla akong natumba sa isang matigas na bagay.

"Okay ka lang?" Sabi ni Maricris.

Tumango naman ako. Pag angat ko ng tingin nanlaki ang mata ko.

"M..Moe?"

Kinusot ko ang mata ko baka nananaginip lang ako.

"Mag iingat ka sa susunod baka mapatay kami ni Elmo kung may mangyayaring masama sayo."

Panaginip nga. Si Derrick kasi ang nakasalo sakin.

"Thanks."

Naglakad na ko pabalik sa dressing room. Umupo muna ko.

"San ka na ba?"

Nagsimula na ang segment namin ni Derrick. Last na ito.

"Smile naman."

Pilit akong ngumiti kay Derrick.

"Sus. Ayaw pa mag smile. Smile na sige ka kapag hindi ka nag smile hindi ka na mamahalin ni Elmo."

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

JuliElmo One Shots (All in One)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora