"Reset"

987 35 0
                                    


"Reset"

Napangiti ako ng makita ko siya sa sala habang nagbabasa ng libro. Mukhang seryoso siya sa pagbabasa. Ang tingin ko dati sa mga mahilig magbasa ng libro ay mga weird. Paano kaharap nila ang libro at nagbabasa sa isang tahimik na lugar. Pero nagbago yun nung makilala ko siya. She's very beautiful in my eyes whenever she reads her favorite book.

"Nakita din kita!"

Napatingin siya sa gawi ko. Ngumiti ako habang palapit sakanya.

"I..Ikaw?"

Binaba niya ang binabasa niyang libro. Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa noo.

"Hinahanap ka kasi Darling. Nandito ka naman pala mahal ko."

Namula siya sa sinabi ko kaya napatawa ako. Tumingin ako sa paligid. Nakita ko yung cellphone niya na nakalagay sa loob ng isang vase. Napakunot noo ako. Umupo ako sa may paanan niya.

"Bakit nakalagay ang cellphone mo sa vase? Yan na ba ang bagong bulaklak ngayon?"

Umiling naman siya. Sumandal siya at tinaas ang salamin niya sakanyang buhok.

"Ayoko lang muna tingnan o hawakan yan."

Napaisip ako kung bakit. Nabasa ko kasi kanina na nag private na din siya sa twitter. Baka dahil sa mga bashers. Kinuha ko ito sa vase at tiningnan. Nakita ko ang lock screen niya. Yung naka swimwear siya. Napangisi ako.

"Maganda naman ah?"

Pinakita ko sakanya. Hinampas naman niya ko ng unan. Natawa ako.

"Totoo naman kasi. Sexy pa ang sarap..."

Tiningnan ko siya. Yung tingin na nakakaakit. Tinago niya ang mukha niya sa unan.

"Moe naman eh!"

Natatawa ako sakanya. Napailing nalang ako at binuksan yun. Kakaiba talaga siya. Ginawa niya talagang wallpaper ang picture ko na naka apron ng hello kitty habang nagluluto sa condo. Naiwan kasi ni Max yun.

"Ikaw talaga. Ginawa mo pang wallpaper yan."

Tinanggal niya ang unan. "Bakit ba? Cellphone ko naman yan. Akin na nga!"

Kukunin niya sana pero inilayo ko ito sakanya.

"Elmo!"

"Sabi mo ayaw mo muna tingnan at hawakan ito diba? Akin muna toh."

"Tss."

Kinuha niya ang libro at nagsimulang magbasa ulit. Binuksan ko naman ang TV. Mabuti hindj siya nagalit ng buksan ko ito. Gusto niya kasi tahimik lang. Buena Familia na pala. Busy siya kaya ako nalang ang manunuod.

"Umiinom ka pala Darling."

Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sakin tapos nagbasa ulit.

"Alam mo hinahanap ka nila tapos hindi ka pa umuuwi? Grabe. Tama ba yan? Umuwi ka na Darling! Inaantay ka ng boyfriend mo buti nalang nahanap ka ng asawa mo." At ngumisi ako.

Nakaramdam ako ng paghampas sa balikat. Tiningnan ko siya. Nakasimangot siya.

"Why?"

"Ang ingay mo!" Nag pout siya.

Napatawa naman ako dun. Kinuha ko ang kamay niya at nilapit siya sakin. Sinandal ko siya sa katawan ko.

"Pansinin mo naman ako. Ako na nga nakakita sayo ayaw mo pa din ako pansinin." Pag papaawa ko.

"Nagbabasa ako, Elmo."

"Oo na. Mas mahal mo kasi ang libro mo kesa sakin."

At tumutok ako sa panunuod. Tumingin naman siya sakin. Hinaplos niya ang pisngi ko.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now