"Got your back"

9.8K 17 0
                                    

*Isang writer ang biglang nagtanong kung type ba ni Julie Anne si Elmo?
Ang mabilis na sagot ni Julie Anne,
 "May girlfriend po yun"
*Na-meet na ba niya ang girlfriend ni Elmo? "Oo naman po."
*Showbiz o non-showbiz ba ito? “Showbiz.”
*Si Lauren Young ba ang girlfriend ni Elmo ngayon? "Ayoko na hong magsalita,""Alam naman na po ng mga fans yun, e."Kasi, kahit hindi naman po sabihin, alam nila. Kasi yung tweet nito, yung tweet nitong isa, napagko-connect nila. Kahit hindi tina-tag, alam nila yung story."

Julie’POV : Sakit. Sakit ang naramdaman ko ng itanong sakin yan. Patuloy parin itong tumatakbo sa isip ko. Ang mga tanong na sinagot ko ng totoo. Minsan naisip ko na sumuko nalang sa Love team namin dahil sobrang nasasaktan ako. Pati mga fans namin nasasaktan dahil sa mga issue na lumalabas. Ayoko talaga makapanakit ng tao kaya sinagot ko sila ng totoo. Naisip kong sumuko. Oo sumuko kasi ayoko na mahulog pa sakanya ng todo kasi sobrang sakit na ang mararamdaman ko nun. Aaminin ko mahal ko na si Elmo. Hindi siya mahirap mahalin pero kailangan alam ko yung limitasyon ko. Ka-Love team lang niya ko. Ka Love team lang. Hanggang dun lang ako para sakanya. Lahat ng ginagawa namin palabas lang. Lahat ay dahil lang sa trabaho. Iniisip ko din naman minsan na sana …sana totoo nalang lahat ng toh. Sana lahat ng yakap at hawak niya sa kamay ko sana may meaning din yun kay Elmo. Sana hindi lang dahil sa trabaho. Pero wala eh..may Girlfriend siya. Alam ko yun at sa tuwing pagtatakpan ko siya ang laking sampal lang sakin na yung taong mahal ko ay taken na. Bakit pa kasi ikaw eh..bakit pa kasi ikaw. Bakit nga ba ikaw pa…

Gulong gulo na ang isip ni Julie sa mga oras na ito. Hindi naman niya sinasadya na sabihin ang tungkol sa girlfriend ni Elmo kasi gusto niya sa binata na mismo manggaling ang pag amin na yun. Pero dahil pagod na siya sa mga paulit ulit na tanong nasabi na niya..Nasabi na niya yung malaking sampal sa mukha niya na may GF ang kapareha niya. Alam niya na sa pag amin niyang yun eh may maaaring magbago. Pagbabago sa mga fans. Pwedeng masaktan ang mga fans nila dahil sa balitang yun pero naisip ni Julie na kahit siya rin naman ay nasasaktan sa sitwasyon na yun. Pangalawa , pwedeng may magbago sakanila ni Elmo. Maaaring iwasan siya nito o magtampo sa ginawa niyang pag amin. Pero handa si Julie na harapin yun dahil alam niya na hindi siya iiwan ng mga fans nila..na kahit anong laban makakaya nilang malagpasan.

Shooting ngayon ng Just One Summer. Nauna si Julie sa set. Wala pa naman siyang gagawin kay nag ikot ikot muna siya sa farm. Umupo si Julie malapit sa isang ilog. Nakayuko ito at makikita mo sa mga mata niya ang lungkot. Lungkot,takot at kaba ang bumabalot sa katauhan ni Julie Anne ngayon. May mga luha na namumuo sakanyang mga mata na gustong gusto niya ilabas para kahit papaano mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman niya. Tumingin siya sa langit. Medyo makulimlim. Para bang sinasabayan siya ng panahon. Naalala ni Julie yung oras na sinabi ni Elmo sakanya na may GF siya.

Flashback…

Elmo : hey Julie !
Julie : oh Moe , bakit ?
Elmo : may sasabihin ako sayo..
Julie : ano naman yun at parang napaka importante atah ng sasabihin mo.
Elmo : gusto ko sabihin sayo ito dahil ikaw ang partner ko..
Julie : hmm.. *nakikinig lang*
Elmo : *hinawakan ang kamay ni Julie at nginitian ito* Kami na.
Julie : ….
Elmo : Kami na ni Lauren.

Natahimik si Julie sa mga oras na yun. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa narinig niyang balita galing kay Elmo. Gusto niyang umiyak pero ayaw niya itong ipahalata kay Elmo. Ayaw niyang malaman ni Elmo na lihim niyang minamahal ito.

Elmo : Julie .. *tinapik si Julie* narinig mo ba yung sinabi ko ? Kami na ni Lauren.
Julie : *pilit na ngiti* Uhm..Congrats ?
Elmo : parang hindi ka naman atah masaya niyan para sakin eh. *pout*
Julie : Ma-masaya ako. 
Elmo : talaga ? totoo ba yan ?
Julie : *tumango*
Elmo : *niyakap si Julie* Thank You. Julie salamat ah ..alam mo ba na nung sinagot ako ni Lauren sayo ko agad gusto sabihin kasi diba kaibigan kita? At alam ko na magiging masaya ka para sakin. At hindi nga ako nagkamali. Salamat talaga Partner. :))
Julie : *yumakap na din kay Moe* yeah….
Elmo : *kumalas* Promise kapag may time kain tayong tatlo ni Lauren sa labas. Treat ko ! ok ba yun sayo ?
Julie : *pilit na ngiti*
Elmo : Good ! :))

JuliElmo One Shots (All in One)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora