"Last Wish"

1.4K 54 0
                                    

"Last Wish" 


This is a fun night. Sobra akong nag enjoy sa party na ginawa ng mga adiks para sakin. Kahit every year nila itong ginagawa hindi ako magsasawa at mapapagod dahil masaya silang makasama sa mga importanteng pangyayari sa buhay ko. 


"Anak? Napagod ka ba?" 


"Hindi naman po, Papa." 


Tumingin siya sakin. "Mabuti naman kung ganun. Masaya ka naman ba?" 


Ngumiti ako sakanya. 


"Opo. Masaya naman. Masaya ako na napapasaya ko yung mga adiks." 


"Mabuti naman kung ganun. So kumpleto na ba ang araw mo?" 


Tumingin ako sa labas ng bintana. Ang totoo niyan may isa pa akong hiling sa araw na ito. Kahit na alam kong malabo pero umaasa ako. 


"Oo naman po.." 


"Bumati na ba?" 


Napatingin ako kay Mama. 


"Uhm, sino po?" 


Ngumisi sakin si Mama. "Anak, kilala kita. Hindi sapat yung fans mo lang ang nagpasaya sayo diba? May inaasahan ka na mas importanteng tao na magpapasaya sayo?" 


"Mama talaga. Sabihin na po nating tama ka pero wala naman akong magagawa eh. Yung bagay na yun? Mahirap makamit yun. Malabong mangyari." 


Tumango tango naman si Mama at Papa. Nakatulog na si Joanna at Jac sa kotse. Sinumpong na kasi si Jac kasi inaantok na. Mabilis lang ang byahe kaya nakarating kami kaagad sa bahay. Binaba namin yung mga regalo sa kotse. Bukas ko nalang bubuksan. 


"Matutulog ka na?" 


Tumango naman ako. "Opo. Inaantok na din kasi ako."


Niyakap naman ako ni Mama at Papa. 


"Happy Birthday anak." 


"Salamat po." 


Hinarap ako ni Mama sakin.


"Wag masyadong magpupuyat ah?" 


"Ma, matutulog na po ako." 


Hinaplos ni Papa ang buhok ko. 


"Wag masyadong magpapadala sa nararamdaman ah? Baka kung san mapunta eh." 


Napakunot noo naman ako. Nagulat ako ng hinampas ni Mama si Papa. 


JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now