"Runaway"

10.1K 25 0
                                    

"Runaway"

Tahimik na lugar. Isang tahimik na lugar ang kailangan niya para makapag isip. Gusto niya mapag isa.

"Kamusta ka na Pop?" Umupo siya sa tabi ng lapida ng ama niya. Nagtirik siya ng kandila. Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang lapida ng kanyang ama.

"Nandito ka lang pala."

Nilingon niya kung sino ang taong nagsalita at nakita niya kung sino ito. Tumabi ito sakanya.

"Paanong..."

"Wag mo na kong tanungin kung paano ko nalaman kung nasaan ka ang importante ay nahanap kita."

Tumango siya at tumingin ulit sa lapida.

"Pumunta ka sa lugar na ito para mapag isa?"

Umiling siya. "Pumunta ako dito para makausap siya. Gusto ko kasi magtanong pero alam ko wala naman akong makukuhang sagot."

"Siya lang ba ang makakasagot ng tanong na tumatakbo ngayon sa isip mo?"

"Mahirap lumaki ng walang ama. Marami pa akong mga bagay na gustong malaman at tanging siya lang ang pwede kong lapitan."

"Nandyan naman ang Mommy mo."

Ngumiti siya ng bahagya. "Si Mommy. Naging ina at ama na siya simula ng mawala si Papa. Alam ko na nandyan siya para suportahan ako pero hindi lang naman ako ang anak na iniintindi niya."

"Gusto kong malaman kung ano ang tumatakbo sa isip mo."

Tumingin siya sa kausap. "Gusto ko tumakas. Gusto kong takasan ang lahat ng ito. Gusto ko ng tapusin ito."

"Bakit ka tatakas? Bakit gusto mo ng matapos ito?"

Yumuko siya. "Dahil nakakasakit na ko."

"Sa tingin mo kapag ginawa mo yan may mapapala ka? Tatakas ka at ano? May maiiwan ka. Tatapusin mo at bakit? Nagsimula na ba?"

Natahimik siya sa sinabi ng kausap. Kung tutuusin tama siya. May maiiwan talaga siya kapag tinakasan niya ang mga bagay na ito at wala naman siyang tatapusin kung hindi pa naman talaga nagsisimula.

"Yun lang kasi ang paraan na naiisip ko ay tama."

"Kahit kelan hindi naging tama ang takasan ang nga bagay na alam mong may laban ka. Isipin mo ang mga taong maiiwan mo sa pagtakas mo."

Tumingin siya sa kausap. "Hindi ka ba galit sakin? Nasaktan ko siya ilang beses na pero tahimik ka lang. Diba dapat galit ka sakin?"

Natawa siya. "Elmo, ano bang mapapala ko kung magagalit ako sayo? Tama ka na ilang beses mo ng napaiyak ang anak ko pero maganda naman ang naging resulta nun sakanya. Lumakas at tumapang siya."

"Masaya pa kayo?"

"Alam mo Elmo, hindi galit ang pinapairal kundi pag unawa sa sitwasyon na ginagalawan mo. Hinayaan kong makita na nasasaktan ang anak di dahil gusto kong makita siyang nasasaktan kundi gusto ko makita na tumapang siya sa pagsubok na dumadating sa buhay niya. At ikaw ang pagsubok na yun Elmo."

"Tito..."

"Matagal ko ng gustong tanungin sayo ito..ano ba si lauren sa buhay mo?"

Si Lauren siya ang kaibigan ni Elmo,kaibigan ni Saab,kaibigan ni Maxene,kaibigan ni Frank,kapatid ni Megan na kaibigan ng mga kapatid niya,talent ng Mama niya. Si Lauren na hindi nalalayo ang edad sakanya. Si Lauren na nandyan lang sa tabi niya.

"Si Lauren..pareho kami ng paniniwala sa buhay. Particularly sa buhay relasyon. Si Lauren kaya niyang sakyan lahat ng trip ko. Mabait siya at magsisinungaling ako kung sasabihin kong ni minsan hindi ko siya nagustuhan."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now