"Just got married"

11.7K 40 0
                                    

"I now pronounce you Husband and Wife"

Lahat naman siguro ng babae ay nangangarap na maikasal sa simbahan at isa na ko dun. Noong bata pa man ako palagi nalang akong kinukuhang flower girl ng mga kaibigan o kamag anak namin. Sa tuwing maglalakad ako papunta sa altar ay may kakaiba akong nadarama. Masaya..feeling ko nga ako yung kinakasal eh. Tuwing may nakikita akong ikinakasal hindi ko maiwasan ang panuorin ito dahil gusto ko masaksihan ang masayang araw ng dalawang taong nagmamahalan. Alam niyo ba na nabuo ko na sa isip ko ang pangarap kong wedding ? hehe...gusto kong ikasal sa malaking simbahan tapos madaming orange roses and orange petals na nakakalat sa dadaanan ko sa red carpet ba.. ;)) gusto ko din na maraming flower girl tapos naka orange sila na gown. Tapos yung Wedding reception gusto ko sa isang mamahaling hotel tapos may masasarap na pagkain at mawawala ba ang mataas na cake? haha! Ang saya lang mag-isip ng ganun...ang sarap sa feeling. Iniisip ko kung kelan ko matatamasa yung dream wedding ko sana matupad yun.

Maqui : Julie Anne !!!

Julie : *lumingon* Oh ?

Maqui : Nandito ka lang pala eh..ano nanaman ba ang tinitingnan mo? *tumingin sa tinitingnan ni Julie* Aysus ! kaya naman pala may ikakasal .

Julie : Ang sweet nila noh ?

Maqui : Best , gusto mo na bang ikasal ?

Julie : Ewan ko ba best pero sa tingin ko Oo gusto ko na nga atah.

Maqui : Ikaw ! 18 ka palang kasal kasal na iniisip mo.

Julie : Hahaha ! Loko lang ito naman. ;))

Maqui : Alam mo bago ka mangarap ikasal try mo muna kaya maghanap ng boyfriend na mag-aaya sayo na magpakasal ! ;)) *lumakad na* Tara na at baka abutan pa tayo ng ulan !

Julie : Sige na mauna ka na tatapusin ko lang tong pinapanuod ko.

Maqui : Anong akala mo dyan ? Sine ??

Julie : Ehhh sige na Maq !!

Maqui : bahala ka nga! umuwi ka kaagad ah baka hanapin ka na ng Daddy mo!

Julie : Ok ! ;))

Tulad nga ng sinabi ko kay Maq pinanuod kong muli ang kasal sa simbahan malapit sa amin. Naririnig ko na tinatanong na yung bride kung tatanggapin niya yung lalaki in short yung "i do" part. Kaso bigla akong nabigla ng tumakbo yung bride at iniwan ang kanyang groom dun sa altar. Lahat ng tao ay nagulat at hinabol ang bride..lahat sila ay natataranta kung bakit tumakbo ang bride kaso ang pinagtataka ko bakit hindi siya hinabol nung groom ? Pumasok ako sa loob ng simbahan at nakita ko na nakaupo yung groom..nakaupo at nakayuko lang siya. Hindi ko alam kung magagalit ako dun sa groom kasi hinayaan lang niya na tumakbo yung bride niya..kakaiba lang talaga..ngayon ko lang ako nakasaksi ng ganun.Gusto ko sana lapitan yung groom para makita ang mukha niya kaso bigla nalang akong tinawag ni daddy.

Jonathan : Julie Anne ! halika na at inaantay na tayo ng Mommy mo ;)

Julie : O-opo. *at nagsimula na siyang maglakad*

Jonathan : *inakbayan ang anak* Ikaw talagang bata ka..palagi ka nalang nanunuod ng mga kasal ng ibang tao. Gusto na ba ikasal ng princess ko ?

Julie : Dad naman eh..alam mo naman po na trip ko lang yun diba po?

Jonathan : Oo na sige pero hindi ka muna pwedeng ikasal ah ? bata ka pa. ;))

Julie : Dalaga na po ako Dad.

Jonathan : haha ! ;))

Julie : Dad ?

Jonathan : yes princess ? *binuksan yung pinto ng kotse*

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon