"Bar"

10.3K 39 3
                                    

"Bar"

Maingay. Mausok. Maraming tao. May mga lasing. May mga lumalandi. May mga nagpapalandi. Ilan lang yan sa mga makikita mo sa loob ng isang bar. Pampalipas oras lang.

"Julie! Shot pa! Shot shot shot!" Sigaw ng mga kaibigan niyang babae at binabae.

Siya si Julie Anne San Jose. Party girl. Gala siya parati kasama ang mga kaibigan niya. Alak ang kasama niya palagi. Mayaman si Julie. Ang totoo nga niyan isa siya sa pinaka maimpluwensiyang tao sa pilipinas. Lahat ng gusto niya nakukuha niya. As in LAHAT.

"Game." At uminom siya. Nagsigawan naman ang lahat.

"Juls, wag kang iinom ng marami ah?" Sabi ni Maqui. Napatingin sakanya si Julie. Bestfriend niya ito.

"Oo naman. Wala pa naman akong tama eh." Nakangiti niyang sabi.

Napailing nalang si Maqui. "Ikaw talaga. Mamaya maya alam ko may tama ka na."

"Hindi mangyayari yun, Maq."

Nasa gitna sila ng kasiyahan nila ng tumigil ang mga tao sa pag-iingay. Napatingin ang grupo nila Julie sa pasukan ng bar.

"Hanep!" Biglang sabi ni Wyn.

"Nag-init ako bigla." Sabi ni Alden.

"The Prince Charming." Sabi ni Maqui.

"The Elmo Magalona." Sabi naman ni Yassi.

Napangisi naman si Julie at hindi maiwasan ng mga kaibigan na mapatingin sakanya. Nakita lang nila si Julie na nakatingin kung nasaan ang lalaking sinasabi ng barkada niya. Napakagat labi si Julie habang tinitingnan si Elmo.

Si Elmo Magalona. The nice guy. The Prince Charming. The Nerd. Oo, gwapo si Elmo pero nerd siya. Hindi siya umiinom pero nag babar siya. Simple lang ang pamumuhay na meron siya. Bar ang takbuhan niya kapag marami siyang problema.

"My Elmo Magalona." Ngiting ngiting sabi ni Julie.

Natawa naman ang lahat kay Julie. Type kasi ni Julie si Elmo, matagal na.

"Dream on Girl! Ano yan? Si Elmo pa talaga ah? Isasama mo nanaman ba siya sa listahan mo?" Natatawang sabi ni Alden.

"Oo nga Julie. Ang daming lalaki na ang pinaglaruan mo noh! Asa ka pa dyan kay Elmo." Sabi din ni Wyn.

Hindi pinapansin ni Julie ang barkada niya. Nakatingin lang siya kay Elmo at napakunot ang ulo nito ng makitang may mga babae na lumapit dito.

"Ohh..selos ka?" Bulong ni Maqui kay Julie.

"Yes." Simpleng sagot ni Julie. "At kilala mo ko, Maqui. Ayokong pinagseselos ako. Ang akin ay akin. Walang eepal. Walang pwedeng umagaw."

"Tigil ka nga dyan, Julie. As if naman may relasyon kayo ni Elmo. Wala kang right para magselos." Yassi.

Nagtawanan naman ang lahat.

"Ganun ba? Oh well, Tawanan niyo lang ako basta I'll prove to you that Elmo Magalona is mine. He's mine." At kumuha ng isang vodka si Julie at ininom ito.

"Wait! San ka pupunta, Julie?" Sigaw ng barkada niya ng makita siyang umalis.

"Hello." Nakangiting sabi ni Julie.

Inirapan lang siya ng lalaki. Imbes na maapektuhan si Julie sa ginawa ni Elmo ay napangiti pa ito. Nagtaka naman ang binata.

"Why are you smiling like that?" Seryoso niyang tanong.

Tumingin si Julie sa mga babae na nakakapit sa braso ni Elmo.

"Hi Bitches! Can I borrow this handsome guy? I can't promise to hand him back again to all of you."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now