"Teach me how to Love"

10.4K 22 0
                                    

"I'm sorry Sarah. its over."

"Sorry Maqui ..break na tayo."

"Wyn..ayoko na break na tayo.."

"Lauren..ayoko sayo kaya sorry"

"Sorry Sef tigilan mo ko baka masapak kita hindi tayo talo!"

Ngayon ay inaalala ni Derrick ang mga pangyayari sa buhay ni Elmo. Saksi kasi siya sa mga babaeng sinaktan at pinaiyak nito.

Derrick : Alam mo Bro ..grabe ka ! as in GRABE KA ! Ang tinik mo sa babae pero kahit isa sakanila wala kang sineryoso! Hindi ka ba naaawa ?

Elmo : Tigilan mo ko Derrick ah !

Derrick : seriously bro ..Hindi ka ba naniniwala sa LOVE ?

Elmo : haha ! LOVE ?. Siyempre naniniwala ako dyan bro..ang LOVE ay isang laro lamang..dapat marunong ka makipaglaro pagdating sa pag-ibig!

Derrick : Sobra ka naman ! hindi naman laro ang pag-ibig eh! Tingnan mo kami ni Lexi ..3 years na kaming mag bf/gf ..hindi ka ba naiinggit ?

Elmo : Hindi. Nakukuha ko naman lahat ng gusto ko eh! bakit ako maiinggit ? Bro baka nakakalimutan mo lang AKO ang kinaiinggitan !

Derrick : haha! o sige ikaw na nga bro ..basta sinasabihan lang kita ..tigilan mo na yang mga panloloko mo sa mga babae..

Elmo : Ako ? Nanloloko sa mga babae ? hahaha !

Derrick : oo ! tingnan mo toh nakuha mo pa talagang tumawa ah. Hindi ba't pangloloko ang tawag dun sa mga babaeng pinaiyak at pinaasa mo ?. Naaalala mo ba yung ginawa mo kay Sarah ?

Elmo : Sarah ?

Derrick : oo si Sarah ! yung ...

Flashback..

"Sarah Lahbati" Age : 19 years old

*Maganda

*Mayaman.

Nakilala siya ni Elmo sa isang party. Yung mga sumunod na araw nagdadate na sila,nagtatawagan,text text,twitter at skype. Pero isang araw..

Elmo : I'm sorry Sarah..its over.

Sarah : huh ? bakit ? may nagawa ba ko ? may mali ba sakin ? ano sabihin mo Elmo..please don't do this to me. *umiiyak*

Elmo : Sorry ayoko na sayo. *alis*

End of Flashback..

Derrick : Alam mo ba after ng ginawa mo kay Sarah hindi na siya nagpakita dito sa school tapos halos hindi na siya lumabas ng bahay nila.

Elmo : .....

Derrick : akala mo yun lang ? meron pa ..! naalala mo si Maqui ?

Elmo : Maqui ?

Flashback ..

"Frencheska Farr" Age : 20 years old / Nickname : Maqui

*Maganda

*Matalino

Nakilala siya ni Elmo sa isang concert. Nakabangga kasi niya si Maqui sa ticket booth. Sabay sila nanuod ni Maqui ng concert..nagpalitan ng numbers,nagdate,text,chat at twitter. Tumagal naman sila mga 3 weeks pero isang araw...

Elmo : Sorry Maqui ..break na tayo.

Maqui : break ? nakikipag break ka sakin Elmo ? bakit ? ayaw mo na ba sakin ? may nagawa ba kong mali sayo ? wag naman Elmo ..mahal kita.

Elmo : sorry Maq.. *alis*

End Of Flashback ..

Derrick : Oh naalala mo ba siya ? Sus ..after ng break up niyo tumigil na siya sa kakaaral. Ayaw na daw niyang pumasok at sabi niya papasok lang siya kung babalik ka sakanya!

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now