"Ready, set, go"

1K 39 1
                                    


"Ready, set, go."

"Ate, nakakapagod na."

Napatawa naman ako kay Joanna. Kanina kasi siya ang may gustong gusto na mag bike kami ngayon pagod na.

"Akala ko ba racing tayo? Suko na agad?"

"Ate, sabi ko kasi bike tayo. Wala akong sinabi na mag racing tayo kasi nakakapagod yun."

"Tss. Ang saya naman ah?"

"Masaya nga pagod naman ako. Pahinga muna kasi tayo."

"Oo na. Dami mo pang sinabi gusto mo lang pala magpahinga. Tara upo muna tayo doon sa gilid."

Bumaba kami sa sinasakyan naming bike. Umupo kami sa gilid ng kalsada.

"Ate?"

"Hmm?"

"Diba nakalimutan mo na mag bike noon? Paano nangyari na marunong ka na ulit ngayon? Naalala ko kasi na nagka phobia ka sa pagsakay sa bike kasi na out of balance ka."

"Uhm, paano ba, siguro hinarap ko lang ulit yung takot na yun."

Ngumisi siya. "Walang nagturo ulit sayo? Walang pumilit sayo na mag bike ka ulit?"

Natawa ako. Issue din minsan itong kapatid ko eh.

"Lokaret ka! Pinapaamin mo lang ako pinaligoy ligoy mo pa yung tanong mo."

"Sagutin mo nalang kasi Ate."

Tumingin ako sa ibang direksyon. Napangiti ako ng maalala ko yun.

"Nag bike ako ulit dahil kay Kuya Elmo mo."

"Kaya pala may pag ngiti na naganap. Ang daming naturo sayo ni Kuya Elmo noh? Parte na talaga siya ng buhay mo."

"Oo naman. Alam mo ba ayokong magbike noon. Siyempre nadala na nga ako pero pinilit niya ko. Ang kulit lang niya. Ayaw niya kong tigilan. Hanggang sa sinabi niya na, handa niya kong saluhin kapag nahulog ako. Handa niya kong gamutin kapag nasugatan ako."

Napayuko naman ako.

"Nahulog ka ba, Ate?"

Tumango ako. "Hulog na hulog ako, Joanna."

"Sinalo ka naman niya?"

"Sinalo niya naman ako."

"Nasugatan ka ba?"

Huminga ako ng malalim. "Oo. Nagtamo ako ng maraming sugat ng mahulog ako. Akala ko kasi sa pagkakahulog ko at pagkakasalo sakin ni Elmo eh hindi na ko masusugatan kaso nasugatan pa din ako eh. Ang lalim nga hindi ko alam kung magaling na ba ito."

"hmm. Tingin mo ba ate, gagaling pa yan? I mean, kung nangako si Kuya Elmo sayo na papagalingin ka niya kapag nasugatan ka, tingin mo gagaling ka pa?"

Napatingin ako kay Joanna. Hindi ko na alam kung anong pinag uusapan namin. Ngumiti nalang ako sakanya.

"Alam mo ang dami mong tanong. Tara na nga at mag bike na ulit tayo. Ikutin natin yan."

"Alam mo Ate, tingin mo alam ko na yung sagot."

Napatitig ako sakanya.

"Matagal ka ng napagaling ni Kuya Elmo, hindi mo lang binubuksan yung mata mo sa fact na wala na yung sugat, mag naiwan lang na peklat."

Sumakay na ko sa bike. Habang nagbibike ako napaisip ako sa sinabi ni Joanna. Peklat? Siguro tama nga siya. Kaya siguro nagkaroon ng peklat ang sugat na natamo ko para maalala ko palagi kung bakit ako nasugatan.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now