"Original"

5.8K 38 0
                                    

"Original"

"Kuya!!! Ano yan?"

Tumingin siya sa dala niya.

"Ito ho ba? Para kay Sir po. Pinabili niya sakin."

Napakunot naman ang noo ko. Bakit naman kaya siya magpapabili ng ganito?

"Ok sige. Wag mo nalang sabihin na nakita kong dala mo yan ah?"

"Sige po Ma'am." At umalis na siya.

Pumunta ako sa backstage. Tumingin ako kung nasaan ang dressing room at nakita ko siya na nakatayo sa may pinto at hawak ang kanyang cellphone.

"Sino kaya ang katext niya?"

Naglakad siya papunta sa dulo kaya naman lihim ko siyang sinundan. Nakita ko na dala na din niya yung kaninang hawak ng driver niya. Patago ko pa rin siyang sinusundan ang hanggang sa huminto siya.

"Oh my!!"

Napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat. Nakita ko siyang may kayakap na babae. Sinuri kong mabuti kung sino ang babaeng yun.

"Julie..."

"Nakakagulat ka naman Moe!"

Tumawa siya dahil hinampas siya nito. May upuan dun kaya naupo muna sila. Inabot ni Elmo kay Julie yung dala niya.

"What's this?"

"Salad and fruits and medicine."

"Medicine? Bakit?"

"Alam kong may sakit ka kaya kumain ka na at uminom na ng gamot. Kailangan mo yan para gumaling ka kaagad."

Para sakanya pala yung dala dala ng driver niya. Ang sweet naman ni Elmo.

"Tss. Sana hindi ka na nag-abala pa. Hindi naman malala ang sakit ko eh."

"Kahit na ba. Gusto mo pang lumala eh. Alam mo kumain ka nalang."

Kinuha niya ang salad at sinubuan si Julie. Nung una, ayaw pa niya. Siguro nahihiya pero dahil mapilit si Elmo, sinubo na niya ang ibinibigay na pagkain nito.

"Good girl."

Hinampas niya si Elmo sa braso.

"Alam mo ikaw pinapataba mo ko. Hindi na ko magiging macho niyan."

"Tss. Tingin mo tataba ka dito eh puro gulay at prutas lang naman ito."

"Kahit na ba.."

"Wag ka ng mareklamo at kumain ka nalang. Uminom ka na ng gamot."

"So kamusta? Hindi mo ata siya kasama ngayon?" Sabi niya matapos niyang uminom ng tubig.

Napasandal siya sa upuan at huminga muna ng malalim bago magsalita.

"Ang alam ko pupunta siya pati ata pamilya niya."

"Namamanhikan ka na?" Nakangiti niyang sabi. Siguro joke yun.

Napakunot naman ng noo si Elmo.

"Ano?"

Pinisil niya ang ilong ni Elmo. "Ito naman hindi na mabiro. Siyempre joke lang yun."

"....."

"Uii? Galit ka?"

"...."

Lumapit siya kay Elmo at kumapit sa braso nito.

"Joke lang yun. Sorry na. Alam ko naman na ako ang papakasalan mo diba?"

Nakita ko ang pag ngiti ng loko. Yun lang pala ang gustong marinig.

JuliElmo One Shots (All in One)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα