"Unfair"

1.9K 54 2
                                    

"Unfair" 


Siguro pwede niyo ng tigilan ang landian niyong dalawa diba? 


Yan ang mga katagang gusto kong sabihin ng makita ko sila na ang sweet. Kaumay. Huminto sila sa pagtawa ng makita nila ako na nakaharang sakanila. 


"Wife." 


Ngumiti sakin si Elmo at agad na lumapit. Tiningnan ko lang siya. Ayoko muna ilabas ang galit ko kasi makikita ni Janine. 


"Hi Julie. Ang galing niyo ni Christian kanina." 


Ngumiti lang ako sakanya. 


"Sige Elmo, punta na muna ko sa dressing room." 


Umalis na siya at naiwan kaming dalawa. Hinawakan naman ni Elmo ang kamay ko at hinalikan yun. 


"Ang galing mo, Wife. Namiss ko tuloy na maka-duet ka." 


Sinamaan ko lang siya ng tingin. Naglakad ako palayo sakanya. Hindi kami pwede mag-usap dito. Maraming tao. Alam ko naman na susunod siya eh. 


"Wife!" 


Nagpatuloy lang ako sa paglakad. Tumingin ako sa paligid. Konti lang ang tao. Pumasok ako sa green room. Umupo ako sa may sofa dun. Narinig ko naman na pumasok na din si Elmo. 


"Wife? May problema ba?" 


Tumabi siya sakin. 


"Fuck! Ano nanaman ang kalandian niyo ha Magalona? Hanggang kelan kayo maglalandian at magpapanggap na kayo? Naiinis na ko! Ang unfair eh! Nasasaktan na ko!" 


"Julie.." 


Tumayo ako. Hindi ko na kasi kaya eh. Kapag tinago ko pa ito baka sumabog nalang ako bigla. 


"Ang unfair! Alam mo yun? Ang unfair! Sobra! Gusto ko ako lang ang niyayakap mo! Ako lang ang kausap mo! Ako lang ang nagpapangiti at nagpapatawa sayo! Gusto ko ako lang! Ako lang!" 


Naluha na talaga ako ng tuluyan. Lumapit naman siya sakin at pinatahan ako. Pinaupo niya akong muli. Hindi ko siya naririnig na nagsalita. Naramdaman ko na tumayo siya at lumabas ng pinto. Wala na ba siyang pakialam sa nararamdaman ko? Ganti ba niya ito dahil sa mga ginawa ko sa SanFo? 


"Ang sakit na eh.." 


Pabulong kong sabi. Bigla naman bumukas ang pinto at nakita ko si Elmo na kasama si Janine. Napakunot noo ako. 


"Janine, pwede mo bang sabihin kay Julie kung anong relasyon ang meron tayong dalawa?" 


Tumingin sakin si Janine. 


"More than friends." 

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon