"SHOCK-ira"

9.2K 34 2
                                    

"SHOCK-ira"

Is that? OMG! James Reid nasa Sunday All Stars? Wow. He is so HOT.

"Clarabels!"

"Oh? Hi Kuya!"

Umupo siya sa tabi ko. Sabay kaming nanuod ng SAS sa TV. Tumingin ako kay Kuya na nakasimangot ngayon at yung kamao niya ready to fight na.

"Kuya?"

Ang sama ng tingin niya sa TV. Tumingin ako at napagtanto ko kung bakit ganun nalang ang aura ng kuya ko. Si Ate Julie. Wala namang bago eh, palagi siyang nagkakaganyan kapag si Ate Julie ang pinag-uusapan kahit pa noong sila pa ni Lauren. Madalas nga silang mag-away ni Kuya kasi halatang halata mo ang pagka possesive at over protective nito kay Ate Julie. Nakaka shock lang dahil ibang iba na ang kilala naming Elmo noon sa Elmo ngayon.

Tumayo si Kuya. "Clara, patayin mo na yung TV mag-iikot daw tayo sabi ni Mom." At tuluyan na siyang lumabas.

Napailing nalang ako. "No wonder kung bakit kayo nag break ni Lauren." Tumingin ulit ako sa TV at napangiti.

"Nabasa ko sa TV, makakaranas tayo ng konting pag-ulan dito sa Japan pero bakit kapag tinitingnan ko si Elmo parang signal number 4? Ano nanaman ang nangyari at nakabusangot ang mukha nun?" Si Kuya Frank.

"Baka..baka..monthly period?" Biro ni Arkin. Mga loko loko talaga eh.

Napansin ko na palapit si Mom.

"Now what? Bagyong Elmo nanaman ba?"

Natawa kami. "Yes Mom."

Napailing nalang si Mommy. "Let him. Mawawala din ang init ng ulo niyan. Let's go?"

"Iiwan natin si Mosey?" Tanong ni Ate Max.

"Yes, alam mo naman yang si Elmo, tuloy tuloy na ang pagka badtrip niyan at ayokong dahil lang sa kinikilos niya eh mauudlot ang yesyestokyo natin. Hayaan niyo muna siya."

"Come on!" Sigaw ni Ate Saab.

Lumakad na sila palayo habang ako pinagmamasdan ko si Kuya Elmo na nakasimangot pa din.

"Clowy! Tara na!"

"Uhmm, Mom! Samahan ko nalang si Kuya Elmo!"

"Are you sure? Hindi ka mag-eenjoy kapag ganyang ang mood ng Kuya mo."

Ngumiti ako. "I'm fine, Mom. I'm his favorite baby sister remember?"

Napangiti nalang si Mommy ng marinig niya yun.

"You take care ok?"

Tumango ako at isa isa ko silang hinalikan sa cheeks.

"Goodluck Clows." Sabi ni Arkin.

"See you later!"

At nag paalam na ko sakanila. Agad akong lumapit kay Kuya at humawak sa braso niya. Nagulat ko ata siya.

"Clarabels?"

"Let's go na Kuya?"

Tumingin siya sa paligid. "Where are they?"

"Touring around."

"Ha?"

"Date tayo kuya." At binigyan ko siya ng magandang ngiti.

Nilibot namin ang mga magagandang lugar na madaanan namin. Ikot dito at ikot doon. Tiningnan ko si Kuya Elmo. Wala kang emosyon na makikita sa mukha niya. Inaya ko siyang umupo sa isang napaka gandang park.

"You want something, Clarabels? Are you hungry?"

"I'm ok." I smiled.

Tumango tango naman siya. Kinuha ko ang camera ko at nag picture picture.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now