"Unan"

8.9K 37 1
                                    

"Unan"

Kanina pa kami dito pero hindi pa din sila dumadating. Tumingin ako sa relo ko. Maaga pa pala. Tiningnan ko yung kasama ko. Napangiti ako at nilapitan siya.

"Ayos ka lang?"

Halatang nagulat ko siya. Bigla siyang ngumiti sakin. Pero parang may kakaiba? Siguro iniisip pa rin niya yung sinabi niya sakin kagabi. Tumango naman siya. Natatawa nalang talaga ako sakanya.

"Pa!"

Pareho kaming napalingon. Nandyan na ang mga mahal ko. Agad akong lumapit sakanila at niyakap ang dalawang babae na nawalay sakin kahit sa sandaling panahon lang.

"Kamusta naman ang tour?" Tanong ko sakanila.

"Ayos lang naman Pa. Teka? Si Elmo ba yun?"

Tumango ako.

"Elmo! Nak!"

Lumapit siya kay Elmo at niyakap ito.

"Nung huli kitang nakita dahil pupunta ka ng Japan ang gwapo mo. Ngayon naman na nakabalik ka na dumoble ang gwapo mo."

Nakita kong natawa si Elmo. "Ahh. Ganun lang po siguro Tita Ivic. Born to be handsome eh."

Napailing nalang ako sa pinag-uusapan ng asawa ko at ni Elmo. Tumingin ako sa katabi ko. Walang ekspresyon ang kanyang mukha. Hindi mo masabi kung masaya ba siya o wala sa mood. Ayy ang anak ko.

"Ok ka lang nak?"

Tumingin siya sakin. "Yes po Papa."

"Namiss kita nak."

Ngumiti siya sakin. "Ako din po. Sila Jac po?"

"Nasa bahay. Ayaw niyang sumama eh. Nanunuod nanaman ng Frozen."

Natawa naman siya. "Si Jac talaga."

"Miss ka na din ng mga kapatid mo."

"Miss ko na rin po sila."

"Eh siya? Namiss mo ba?" Sabay turo ko kay Elmo.

Nakita ko ang pagkawala ng ngiti niya. Bumalik nanaman ang ekspresyon ng mukha niya kanina. Siguro kailangan lang talaga nila mag-usap.

"Elmo!" Sigaw ko.

Napatigil sa pag-uusap ang asawa ko at si Elmo.

"Tulungan mo muna ko na ipasok yung nga gamit nila sa kotse."

Tumango naman siya sakin. Lumapit siya sa lugar kung nasaan ang aking anak. Nakita ko ang pagtama ng mata nila. Bahagyang ngumiti si Elmo pero ang anak ko? Wala lang. Nauna ng pumasok sa loob ng kotse ang aking nagtataray na anak. Tiningnan ko si Elmo. Bumagsak ang kanyang balikat at nawala ang ngiti sa labi niya.

"Hayaan mo muna baka pagod lang."

Ngumiti lang siya sakin bago buhatin yung mga gamit at nilagay sa kotse. Ilang sandali pa natapos na kami sa paglalagay. Sumakay na kami. Katabi ko ngayon ang asawa ko at siyempre yung dalawang bagets nasa likod. Nakita ko ang nagtataray kong anak na nakasalpak ang earphone sakanyang tenga at si Elmo naman nakatitig sakanya.

"Tara uwi na tayo." Sabi ng asawa ko.

"Bago tayo umuwi bumili nalang muna tayo ng pagkain sa labas. Pasensya na Ma, hindi kami nakapaghanda sa pagbabalik niyo."

"Ayos lang yun. Mapapagod lang kayo kapag nagluto pa kayo tsaka mas maganda na din yung bumili nalang muna tayo ngayon kasi gusto ko na rin magpahinga. Hindi ako makakapagluto."

"Ang bait talaga ng asawa ko. Anong pagkain ba ang gusto mo?"

"Kahit ano nalang. Elmo? Sa bahay ka na kumain nak ha?"

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now