"My Wafu's Birthday"

9.7K 19 0
                                    

 HAPPY 18TH BIRTHDAY NYEL !!! "

Yan ang sigaw ng mga kasama ni Elmo sa Just One Summer. Lahat sila ay bumati ng happy birthday at with matching cake pa. Gulat at Saya ang nararamdaman ni Elmo sa mga sandaling iyon. Tuwang tuwa siya dahil naalala siya ng mga kasama niya sa mahalagang araw ng buhay niya.

Elmo : Thank You Guys so much. Maraming maraming salamat po talaga sa surpresa niyo sakin. Kay Direk Mac sa mga co-stars ko , sa lahat ng bumubuo ng JOS maraming maraming salamat po!

Direk Mac : Wala yun Elmo ! Kami nga ang dapat na magpasalamat sayo kasi hindi mo kami binibigo sa mga arte na ipinapakita mo samin. Napakahusay mong aktor.

Elmo : Thank you Direk. Salamat po sa mga payo na ibinibigay niyo sakin.

JOS FAMILY : WOOOH !! WE LOVE YOU NYEL !

Elmo : Mahal ko din po kayo ! ;))

Ms. Rose : Hipan mo na ang cake mo Nyel. ;)) pero bago yun…mag wish ka muna.

Elmo : Sige po. *pumikit at nag wish*

Pagkatapos ng 30 seconds natapos ng mag wish si Elmo at hinipan na niya ang kandila sa cake niya. Lahat ng tao ay sumigaw nanaman ng Happy Birthday Nyel at nagsikainan na sila. May konting handa na ginawa para kay Elmo. Masaya ang lahat. Nagtatawanan,nagkakantahan,nagsasayawan at nagkukwentuhan. Sandali lamang yun dahil may kailangan pa silang itake na eksena. Lumabas si Elmo sandali at nagpahangin. Pinuntahan naman siya ni Lexi (kunwari nandun si Lexi haha ! basta! haha! ;P)

Lexi : Moe !

Elmo : oh Lex bakit ?

Lexi : Bakit lumabas ka ? ayaw mo ba dun sa loob ?

Elmo : nagpapahangin lang ako Lex.

Lexi : yung totoo…masaya ka noh ?

Elmo : Oo naman.

Lexi : kaso may kulang ? kaya hindi pa din kumpleto ang kasiyahan mo ?

Elmo : What do you mean ?

Lexi : asussss… kunwari ka pa ! siyempre wala si Beto mo kaya kulang ang saya mo!

Elmo : Tss…hindi nga niya naalala eh.

Lexi : Oi Moe ! bukas pa naman ang birthday mo malay mo bukas ka niya batiin !

Elmo : Kahit na ba…gusto ko nandito siya. Sure naman ako nag-eenjoy yun kasama yung ibang tweens !

Lexi : Naku Naku ! nag eemo ang Nyel namin !

Elmo : haiii…

Lexi : Wag ka na mag emo ! busy lang ang Beto mo ! sige na ! pasok na muna ko ahh !

Elmo : Sige !

Malungkot pa din si Elmo kasi wala si Julie sa JOS Set. Nakatulala lang ito sa langit..sa mga bituin. Nakaupo siya sa damuhan at dinadama ang simoy ng hangin.

Elmo : Sana…sana nandito ka ngayon.

Direk Mac : si Julie ba ang tinutukoy mo ?

Elmo : *nagulat* Direk !

Direk Mac : *smile* so si Julie nga ?

Elmo : O-opo. Busy po siya eh…kaya sure ako nakalimutan na niya.

Direk Mac : Bukas pa naman ang birthday mo diba ? malay mo bukas mag celebrate kayong dalawa.

Elmo : Parang napaka imposible naman po mangyari nun direk. Siyempre pagod po yun. At araw po ng pagpunta ko sa Antipolo bukas. Tuwing JOS Shooting na nga lang po kami nagiging legal na mag BF/GF.

Direk Mac : Wag mo isipin na nakalimutan ka niya Elmo. Mahal ka ni Julie.

Elmo : *pilit na ngiti* salamat po direk.

Direk Mac : osige para hindi ka na malungkot dyan papadalan kita dito ng cake ahh.

Elmo : po? wag na po mamaya nalang po ako kakain ng cake.

Direk Mac : ayy basta ! dyan ka lang ah.

Wala ng nagawa si Elmo kundi sumunod kay Direk Mac. Hinintay niya ang cake na sinasabi ni Direk. Ilang sandali pa ay may tumabi sakanya. Nilingon niya kung sino ang katabi niya at ikinagulat niya ito…

Elmo : Ju-Julie ?

Julie : *smile* Happy Birthday My Wafu !!

Elmo : ikaw ba talaga yan ? diba nasa tween hearts shooting ka ? alam ba ni Tita Marivic na nandito ka ?

Julie : Easy lang Wafu..Una po oo ako po ito wala ng iba. *kiss sa pisngi ni Elmo* at yan ang patunay. Pangalawa , kanina pa po tapos ang shooting..pumunta lang ako dito para makita ka at makasama ka sa birthday mo. At pangatlo , opo alam ni Mama na nandito ako. ;))

Elmo : *wagas ang smile* Thank you My Pillows.

Julie : kumain ka na ba nito ?

Elmo : hindi pa. *inakbayan si Julie*

Julie : *pout* Hindi mo man lang tinikman ang cake na gawa ko for you !

Elmo : *nagulat* Ha ? gawa mo yan ? as in ikaw ang gumawa ? ikaw nag bake ?

Julie : Oo ! pinadala ko lang dito noh ! hindi ko lang nilagay yung name ko kasi galing naman sa aming lahat toh kaya GMA Film Family nalang yung nandyan !

Elmo : *kinuha yung isang platitong cake kay Julie* Akin na yan.

Julie : *nakatingin kay Elmo*

Elmo : *kumain* YUMMY !!! sarap ! wala munag diet diet ngayon !

Julie : hahaha ! ;)) masarap ba ?

Elmo : basta gawa ng Pillows ko lahat yan masarap !

Julie : Bolero ! ;)) balita ko kay Lexi nag eemo ka daw kanina ? *sinandal ang ulo niya sa balikat ni Elmo*

Elmo : Siyempre. Wala kasi dito ang beto ko so hindi kumpleto ang saya ko.

Julie : *nakikinig lang kay Elmo*

Elmo : Tsaka dito nga lang nagiging totoo ang lahat yung walang kasinungalingan. Dito lang tayo nakakapag bonding ng todo todo. Dito lang tayo Legal bilang mag BF/GF. Bukas kasi uuwi ako sa Antipolo at alam ko naman na kahit gusto kitang isama hindi pwede dahil marami ang pwedeng makahalata sa tinatago nating relasyon. Alam mo naman na konti palang ang mga nakaka alam ng relasyon natin.

Julie : ….

Elmo : Nga pala Pillows ano regalo mo sakin ? haha ! *nilingon si Julie*

Nakita niya si Julie na nakatulog na sa balikat niya. Kita niya dito ang pagod ng dalaga. Inakbayan niya si Julie at hinalikan ang ulo nito. Ilang minuto silang ganun…tahimik lang ng biglang nagsalita si Julie.

Julie : Hap-py ..Birth-day…My Wa—fu…*nagsasalita ng tulog*

Elmo : *ngumiti* My Pillows alam mo ba kung ano yung wish ko kanina ? Hiniling ko na sana wag tayo magsawa sa isa’t isa. Hiniling ko na sana tumagal pa tayo. At hiniling ko din na sana …dumating na yung araw na pwede na natin sabihin sa lahat na mahal natin ang isa’t isa. ;)) Thank you sa araw na toh …alam ko na pagod ka na pero ginawan mo parin ng paraan para makapag spend ka ng time with me at napasaya mo talaga ako dun. *halik sa noo ni Julie* I LOVE YOU MY PILLOWS.

Julie : i lo-ve u..El-mo..*sabay yakap kay Elmo dahil akala niya unan*

Napangiti nalang si Elmo sa nagsasalita niyang GF habang ito ay natutulog. Pinaramdam ni Julie kay Elmo na kahit busy siya gagawa at gagawa siya ng paraan para ipagdiwang ang kaarawan ni Elmo kasama siya.

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now