"Ears"

5.3K 46 0
                                    

"Ears"

"Awww! Ouch! Julie! Baby! Araaaaay!"

Hawak hawak niya ngayon ang aking tenga habang hinihila ako papasok sa dressing room. Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa tenga ko dahil kung hindi ko gagawin yun mawawala ako ng tenga. My precious ears.

"Ano nanaman bang ginawa ko sayo?"

Tanong ko sakanya habang hinihimas ko ang tenga ko.

"Ikaw! Malandi ka talaga!"

Napakunot naman ang noo ko.

"Malandi? Ako? Bakit?"

"Ano yung nabalitaan ko na nagpapa cute ka kay Coleen Garcia!"

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ako? Nagpapa-cute daw ako kay Coleen? Hindi ko na napigilan kaya..

"HAHAHAHAHAHA!" Malakas kong tawa.

Nakita ko na napasimangot siya.

"Bakit ka natatawa? Totoo noh? Malandi ka!"

Napailing nalang ako. "Tsk tsk. Kanino mo ba nabalitaan yan? Hindi totoo yan noh."

"Ewan ko sayo! Ganyan ka naman. Palagi nalang akong nakakatanggap ng mga ganyang balita. Porket hindi tayo magkasama ang dami dami mong babae na nilalandi."

Aalis na sana siya ng yakapin ko siya. Nilagay ko ang mukha ko sa leeg niya.

"Wag ka ng magalit..kung ano man yung nabalitaan mo..balita lang yun. Hindi siya totoo, ako na ang nagsasabi sayo."

Wala akong narinig na salita mula sakanya. Hinarap ko siya sakin at inakay siya sa may mesa. Binuhat ko siya at inupo dun. Nakayuko siya. Inangat ko ang mukha niya sakin.

"Hindi naman totoo yun eh. Bakit mo ba pinaniniwalaan yun?"

"Magsabi ka nalang kasi ng totoo. At tsaka masisisi mo ba ko eh wala naman ako dun. Hindi ko naman alam kung anong pinaggagawa mo dun. Malay ko ba kung nakikipag landian ka na sakanila. Sa gwapo mong yan? Tsk." Umiwas siya ng tingin.

"Julie, ako na ang nagsasabi sayo na wala nga talagang landian o pormahan na nangyayari. Paano magkakaroon kung palaging nandun si Billy sa set?"

Napatingin siya sakin. "Kung wala siya dun popormahan mo?"

"Siyempre hindi. Ikaw lang naman ang babaeng gusto ko bakit pa ko magpapa cute sa iba?"

"Ehh..ano..uhm..baka nung magka scene kayo ni Coleen, tuwang tuwa ka o kaya naman na dala ka sa mga eksena niyo."

Umiling naman ako. "Wala talaga. Alam mo ba na kapag mga sweet scenes, walang pumapasok sa isip ko. Kahit ikaw inaalis ko sa isip ko."

"Tingnan mo!"

Bababa na sana siya sa pagkakaupo niya sa mesa ng pigilan ko siya.

"Wait. Makinig ka muna. Siyempre kailangan kong tanggalin ka sa isip ko kapag sweet scenes kasi baka mamaya madala ako o kaya naman maisip ko na ikaw yung kaeksena ko edi nagkatotoo yung mga balitang nasasagap mo."

"Eh kasi naman.."

Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit.

"Sabihin mo nga sakin si Julie, wala ka bang tiwala sakin?"

Natahimik siya.

"Hindi ka ba naniniwala sa mga sinasabi ko sayo? Ilang beses na ko nagsasabi sayo ng totoo pero hindi mo ko pinaniniwalaan. Pahirapan pa para mapaniwala kita. Yung mga natatanggap mong balita na tungkol sakin na walang katotohanan, pinaniniwalaan mo pero ako na involved dun sa issue, ako na mismo ang umaamin sayo, ayaw mo pa din maniwala."

Napayuko ako. Nakaramdam ako ng lungkot kasi palagi nalang kaming ganito. Mag-aaway tapos magsusuyuan tapos mag-aaway ulit. Paulit ulit nalang kaming ganito. Imbis na yung mga vacant time na meron kami eh ibuhos sa paggawa ng masasayang oras na magkasama kami, napupunta pa sa pag-aaway.

"I'm sorry."

Narinig ko na sabi niya. Hindi ko inangat yung tingin ko sakanya. Maya maya naramdaman ko yung ulo niya na nakasandal sa balikat ko habang ang mga kamay naman niya nakahawa sa laylayan ng damit ko.

"Sorry kung pinagdududuhan kita palagi. Naging ganito lang siguro ako kasi hindi na tayo nagkakasama. I'm sorry, Moe."

Hinawakan ko ang balikat niya at dahan dahang tinulak yun papalayo sakin. Nakatingin siya sakin.

"Wala namang masama kung nagseselos ka eh. Wala ding masama kung paminsan hindi tayo nagkakasundo kasi parte naman yan ng relasyon eh. Ang akin lang naman, hindi ka ba nagsasawa? Diba mas maganda kung imbis na nag-aaway tayo, sana binubuhos nalang natin sa ating dalawa na magkasama."

Tumango siya. Hinawakan niya ang mukha ko.

"Sorry. Ikaw naman kasi napaka gwapo mo." Nag pout siya.

Napailing nalang ako at natatawa sa itsura niya.

"Gwapo ako at maganda ka naman. Meant to be tayo."

Napangiti naman siya. Mabuti naman at kumalma na siya.

"Oo na bagay tayo. Bagay na bagay."

Niyakap ko siya. "Mabuti naman at okay na tayo. Wag ka ng magseselos ah? Matuto kang makinig."

"So sinasabi mo hindi ako marunong makinig? Ganun?" Napataas ang kilay niya.

"Ito naman..ang ibig ko lang sabihin at ako lang ang papakinggan mo dahil nagsasabi ako sayo ng totoo. Tulad nito..totoo."

Binigyan ko siya ng mabilis na halik sa labi. Ngumiti ako sakanya. Hinampas niya ko sa braso.

"Anong totoo dun eh nagnakaw ka lang naman ng halik?"

"Sabi ko sayo matuto kang makinig. Hindi mo ba narinig na sinabi kong mahal kita?"

Napailing nalang siya. Ngumiti siya sakin.

"Hindi ko narinig eh. Wala akong narinig. Ulitin mo nga."

Napangiti ako. Hinalikan ko ang noo niya. Hinalikan ko ang tenga niya. Hinalikan ko ang ilong niya. Nilapit ko ang labi ko sa labi niya. Hindi pa yun nagdidikit.

"Ikaw lang ang mahal ko, Julie Anne. Ikaw lang."

Bulong ko sakanya. Akmang ilalapat ko na ang labi ko sakanya ng magsalita siya.

"Narinig ko na. Ulit ulitin mong iparinig sakin yan para hindi ko makalimutan."

Tumango ako sabay hinalikan ko siya.

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now