"Piso"

2.2K 58 1
                                    

"Piso"

Message Sent!

"Hey bro! Bakit nakaupo ka pa dyan?"

Ngumiti ako. "Wala lang."

Napailing nalang siya. "Aalis na tayo sabi ni Mom."

Umalis siya. Naiwan ako na nakangiti sa loob ng restaurant. Kakatapos lang namin kumain eh.

"This wish is for you."

Lumabas ako at nakita ko sila na nagpicture picture.

"Frank! Sayo nalang sumabay si Arkin at Moe!"

"Mom, si Moe nalang po. Magpapasama po kasi ako sakanya baka mabored lang si Arkin."

Tumango si Mommy. It means pumayag siya. Lumapit si Elmo sakin.

"At saan naman tayo pupunta?"

Ngumiti ako. "You'll see."

Sumakay kami sa sasakyan. Nagmamaneho ako habang siya naman ay busy sakanyang cellphone.

"How was it?"

Tumingin siya sakin. "What?"

"The concert? Her concert."

Bahagya siyang ngumiti. "Great. Pero hindi ako nakakuha ng pagkakataon na makausap siya."

"How about sa SAS?"

Umiling siya. "Hindi din eh."

Tumango tango nalang ako at nag focus sa pagmamaneho. Nakita ko na nilagay niya ang shades niya sakanyang mata. Matutulog ito. Hindi niya alam na iba na ang tinatahak kong lugar.

"Moe!"

Nagising siya. Tumingin muna siya sa paligid bago sakin.

"San tayo?"

Binuksan ko ang pinto ng kotse at tinulak siya.

"Labas!"

"Ha?"

"Sabi ko labas!"

Napakamot siya sa ulo niya at lumabas. Sinara niya ang pinto. Binuksan ko ang bintana.

"Dito ka lang."

"Anong gagawin ko dito? Hindi ko nga alam kung saang lugar ito eh!"

Halatang naiinis na siya. Gusto ko sanang matawa pero pinigilan ko nalang ang sarili ko.

"Basta nasa pilipinas ka pa din!"

"Ano bang plano mo?"

Ngumiti ako sakanya. "Ang pasayahin ang bestfriend ko."

Bestfriend ko si Elmo. Sa pamilya namin? Siya na yata ang maraming sinakripisyo. Lalo na sa buhay pag-ibig niya.

"Hintayin mo lang siya."

"Sino?"

Sinara ko yung bintana. Kumakatok katok siya pero hindi ko pinansin.

"FRANK!"

Narinig ko na sigaw niya pero hindi ko nalang pinansin. Nang makalayo layo ako sakanya hininto ko ang sasakyan. Bumaba ako at hinahanap ang pinunta ko talaga dito.

"Hey!"

Tumingin siya sakin. Wow. Sexy. Kung hindi lang sa kapatid ko ito, nagkagusto na din ako sakanya pero hanggang baby sister lang talaga eh. May Elmo na. Wala na kong magagawa. Wag kayo magagalit ah? Pinupuri ko lang. Peace na.

"Kuya Frank!"

Lumapit siya sakin at nagbeso.

"Happy birthday!"

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now