"Ligtas"

1.2K 45 0
                                    


"Ligtas"

Moe, ayokong mag-alala ka pero alam ko na ikaw lang ang makakapag patahan sakanya.

- Ate Chuchay

Napatulala ako sa nakita ko. May naka attached na photo doon. Nakayuko si Julie. May naramdaman ako na kakaiba. Napatayo ako kaagad.

"Where are you going?"

Napatingin ako kay Saab.

"Pupunta ako sa GMA."

"What? Why?"

Napabuntong hininga ako.

"She needs me."

Pumunta ako kaagad sa parking lot. Hindi ko alam pero halos paliparin ko ang kotse ko makarating lang kaagad sa GMA. Nagpababa ako sa employees entrance. Halo halo ang nararamdaman ko. Galit, lungkot lahat na. Pagkapasok ko sa studio, hinanap ko kaagad siya.

"Alden!"

Napatingin siya sakin. "Moe?"

Lumapit ako sakanya. Hinawakan ko siya sa kwelyo. Napatili ang mga tao doon.

"M..Moe?"

"Sinabihan na kita diba? Sinabihan na kita na wag mo siyang idadamay sa mga kalokahan mo! Sinabihan kita! Nakiusap din ako sayo bilang kaibigan ko, nakiusap ako sayo na bantayan siya para sakin. Na wag siyang hahayaang masaktan. Anong ginawa mo? Bakit mo siya ginaganito? Bakit pa siya nadadamay!"

"M..Moe, ginagawa ko naman ang makakaya ko. Ayoko din naman ang nangyayari. Hindi ko din gusto na nasasaktan siya. Kaibigan kita at kahit na alam kong may nagawa ako na masama sainyo, alam mong bumabawi ako."

Ang sama ng tingin ko sakanya. Halos patayin ko siya sa tingin ko.

"M..Moe, please.."

Binaba ko siya. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya.

"Pasalamat ka kaibigan kita, Alden. Pasalamat ka na tao akong pinoprotektahan dahil kung wala? Matagal na kitang sinaktan."

Hindi siya nakapagsalita. Yung mga tao sa paligid namin, tahimik lang. Siguro natakot.

"Moe, pangako, gagawin ko lahat para magawan ng paraan ang problema."

"Sana matagal mo ng ginawa yan hindi ngayon na sobra na siyang nasasaktan."

"I'm sorry. Wala akong kayang sabihin kundi patawad."

"Gusto ko din po humingi ng tawad."

Napatingin ako sa likod ko. Siya ba si Maine? Lumapit siya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Alam ko na hindi mo ko kilala. Ako po si Maine. Nanghihingi din ako ng tawad sayo. Alam ko na concern ka kay Julie. Ako din naman. Ayoko ng may nasasaktan sa ginagawa namin. Kaya patawad, Elmo. Hindi lang ito kasalanan ni Alden. May kasalanan din ako."

Hindi ako makapag salita. Mahina naman kasi ako sa mga babaeng humihingi ng tawad. Nanlalambot ang puso ko. Huminga ako ng malalim.

"Sorry din."

Tumingin ako kay Alden.

"Sorry din Den kung nagpadalos dalos ako. Dapat hindi ako sumugod agad. Nag-aalala kasi ako. Alam mo kung gaano ko siya iniingatan. Hindi ako perfect. Nasaktan ko din siya at ayoko ng maulit yun. Kung pwede ako nalang, gagawin ko para sakanya."

Lumapit sakin si Alden. Nilahad niya ang kamay niya.

"Bro."

Bahagya akong ngumiti at kinuha ang kamay niya.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon