"Drool"

1.8K 59 0
                                    

"Drool" 


"Moe! Pare relax! May nagagalit!" 


Napatingin ako kay Sef. 


"What?" 


Tumuro siya bandang ibaba. Napatingin naman ako dun. 


"Ui ano ba!" 


Tinakpan ko naman yun. Natawa naman siya sakin. Umupo siya sa tabi ko. 


"Grabe noh? Ang laki na ng pinagbago ni Julie. Grabe yung suot! ang sexy! Ang hot!" 


Tiningnan ko siya ng masama. 


"Pinagnanasahan mo ba ang girlfriend ko?" 


Natawa naman sakin si Sef. 


"Baliw! Hindi noh. Sinasabi ko lang na nagagandahan ako sakanya. Kita mo nga ikaw, galit na galit." 


Namula naman ako. Binato ko naman siya ng unan. Halos sumakit naman ang tyan niya kakatawa. 


"Buti napapayag ka na magsuot siya ng ganun?" 


"Tss. Nung una ayoko kaso ayoko naman na mag-away kami dahil lang dun kaya pinayagan ko na. Sinabi ko naman na kay Ninang Mariti na ingatan at wag mawawalan ng towel o kumot sa tabi ni Julie." 


Napailing nalang siya. "Grabe ka talaga bro! Ang tindi mo! Kumot talaga?" 


"Oo!" 


"Eh sino naman yung kasama niyang lakaki? Yung amerikano? Aba! Pinagpalit ka na ata." 


"Wag ka nga gumawa ng issue. Napag-usapan na namin ni Julie ang tungkol dun. Unang una palang na mag meeting sila alam na ng mga lalaki dun na may asawa na siya. Nag facetime pa nga kami. Pinakausap pa sakin." 


"Talaga? Oh ano naman ang sinabi mo?" 


Ngumisi ako. "Sinabi ko na kapag may umagaw sa mahal ko nagiging mamamatay tao ako." 


Natawa naman ng malakas si Sef sa sinabi ko. Napailing nalang ako. 


"Bwiset ka! Naging mamamatay tao dahil lang dun? Ibang klase." 


"Aba! Kaya kong pumatay kapag may lumapit na kano dyan sa Julie ko." 


"Alam mo sana sumama ka nalang kay Julie. Mas maganda kung nandun ka." 


Tumayo ako. "Kung pwede lang ba eh." 


JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon