"Pader"

8.6K 38 1
                                    

"Pader"

"What do you want from me?"

Napailing nalang ako ng pumasok sa isip ko ang linya na yan mula sa isang kanta. Hindi ko alam pero parang related siya sa mga nangyayari sa buhay ko. Nakuha ko pa nga na i-cover ang kantang yan dahil sa kakaisip kung ano ba talaga ang gusto niya mangyari? Ano ba ang gusto niya sakin?

"Masisiraan ako ng bait sayo!" Sabi ko habang ginugulo ang buhok ko.

Tumayo ako at kinuha ko ang laptop ko. Maglalagay ako ng mga bagong kanta sa phone. Paraan na rin ito para mawala siya sa isip ko. Tumingin din ako ng mga pictures.

"Ikaw nanaman?"

Nakita ko kasi yung mga picture namin nung nasa LA pa kami pati na din yung sa Just One Summer. Hindi ko maiwasan na mapangiti pero napapaisip ulit ako. Ano nga ba ang dapat kong gawin? Nasa process na nga ako ng pag m-move on sakanya tapos ito nanaman siya pilit sumisiksik sa isip ko.

"What do you want from me?"

Ilang beses ko ng nababanggit yang mga katagang yan. Wala namang sumasagot sakin kasi wala naman akong kausap. At yung kailangan sumagot sa tanong ko ayun hindi ko alam kung nasaan. Hindi ko naman kasi siya nakakausap. Hindi pa kami nagkikita.

"Hoy! Alam mo ikaw napaka panggulo mo talaga noh? Hindi ka ba talaga titigil?" Napakamot ako sa ulo ko habang kausap ang picture niya. Nakangiti siya sa larawan.

"Pati picture mo kinakausap ko na. Hala! Baliw na ata ako!"

"Eh kung tinatawagan mo kaya siya?"

Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Si Papa. Lumapit siya sakin.

"Papa.."

"Kausapin mo na anak at hindi puro sarili mo lang at larawan niya ang kinakausap mo."

"Papa naman..alam niyo naman po na..diba? Iwas gulo na?"

Nakita ko na nakangiti lang siya sakin. Ako naman napakamot sa ulo ko.

"Iwas gulo ka nga kaso nababaliw ka naman dyan. Try mo kayang makipag-usap? Hindi naman kita binabawalan eh."

"Ano naman po ang sasabihin ko sakanya?"

"Lahat. Lahat ng nilalaman niyan."

Turo niya sa ulo ko.

"Tska niyan." Turo naman niya sa puso ko.

"Pa.."

"Mahal mo pa din diba? Kahit na ilang beses ka na niyang nasasaktan?"

Dahan dahan naman akong napatango. Napayuko nalang ako. Ang alam kasi ni Papa, hindi na ko magpapa-apekto sakanya kaso hindi ko din naman mapigilan kung ano ang sinasabi ng puso ko.

"Julie, alam ko na may kasalanan din ako sa mga nangyayari ngayon. Pinagbawalan kita na sa nararamdaman mo sakanya. Akala ko kasi laro lang ang tingin niya sayo. Akala ko naman natutuwa ka lang sa sweetness na pinapakita niya sayo kaya nasabi mo na mahal mo siya. Ang hindi ko alam totoo na pala yung nararamdaman mo."

"Pa, wala naman po kayong kasalanan eh. Tska, tama naman po kayo. Masasaktan lang niya ko. Kung hindi naman po dahil sa payo niyo sakin hindi ako magiging matatag ngayon. Kung hindi po ako nakinig edi hanggang ngayon bulag pa din ako sa pagmamahal sakanya at patuloy na nasasaktan."

Umiling si Papa. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Anak, malaki ka na. Alam mo na ang tama at mali. Sige na, sundin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo. Hanapin mo kung ano ang makapagpapasaya sayo."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon