"Graduate"

2K 65 4
                                    

"Graduate" 


Nabalitaan ko ang naganap na interview sakanya. Sinabi niya na graduate na siya sa pagkakaroon ng love team at gusto na niyang maging solo artist. Dun nalang daw siya mag focus. 


"Are you mad?" 


Napatigil ako sa pag-iisip. I'm with her pala. Pauwi na kami ngayon galing sa taping niya sa Day off. 


"No." 


"Eh bakit ang tahimik mo? May nagawa nanaman ba ako?" 


Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan yun. 


"Stop overthinking. Wala ka namang nagawa." 


"Come on, alam kong meron." 


Huminga ako ng malalim. 


"You said graduate ka na sa love team." 


Ngumiti siya sakin at tumango. 


"Yes. Totoo naman eh. Mas gusto ko kasing mag focus sa pagiging solo artist. Ayoko naman na makilala lang palagi na may ka-love team." 


"Nagsisisi ka ba na naging magka love team tayo?" 


"Adik ka ba? Ikaw nga ang blessings sa buhay ko eh. Ikaw at ang nabuong tandem natin. Bakit naman ako magsisisi? And kung hindi dahil sa tandem natin edi sana hindi kita boyfriend ngayon." 


Napangiti naman ako sa sinabi niya. 


"Totoo ba yan?" 


Tumango siya. "Oo naman. Nagpapasalamat ako sa tandem natin. Yun ang simula ng lahat eh. Alam mo kahit kanino pa ako ipareha mas gusto ko dun sa original. Kung san ako nagsimula." 


Hinalikan ko ulit ang kamay niya. 


"Ang sarap naman pakinggan ng mga sinasabi mo, Julie ko." 


"So wag ka ng magalit sa sinagot ko ah?" 


Nag-isip ulit ako. "Eh paano kung dumating yung time na ibalik tayo? Aayawan mo na ko kasi graduate ka na?" 


Tumingin siya sa ibang direksyon. 


"Yung nga ang hinihintay ko eh." 


Napakunot noo naman ako. 


"Julie.." 


Tumingin siya sakin. "Kapag bumalik ka na tska lang ako papayag sa love team na yan." 


JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon