"Promotion"

9.9K 29 0
                                    

"Promotion"

Nakaramdam siya ng mahigpit na yakap mula sakanyang likod. Naramdaman din niyang itinago nito ang mukha niya sakanyang leeg.

"Sorry." Hindi muna siya nagsalita. Naririnig lang niya ang paghinga nito.

"Bakit ka nag so-sorry? Nambabae ka ba?" Biro niya dito.

Umiling ito. "Ikaw lang ang babae sa puso ko."

"Sa puso lang? Hindi sa buhay?"

"Paano sila Mommy?"

Bahagya siyang natawa. "Oo nga naman."

Hinarap na niya ang binata na ngayon ay nag da-drama sakanya. Hinawakan niya ang pisngi nito at tumitig ng mabuti sa mga mata nito. Nakita niya ang lungkot sa nga mata ng binata at sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng sakit.

"Why baby ko?"

"I saw you crying while watching the VTR about Me and Her."

"I'm used to it, baby ko. Trabaho natin toh diba? Sanayan lang." At dinala ang kamay ng binata sakanyang bewang sabay binigyan niya ng matamis na ngiti ang binata.

Umiling siya. "But it doesn't mean na kakasanayan mo palagi. Hindi ka manhid. Kahit ayaw mo man pansinin ang mga pangyayari sa paligid mo wala kang magagawa kasi tao ka. Nakakaramdam ka."

"Moe..diba napag-usapan naman na natin toh? Ok lang ako."

Bumitaw si Elmo. "You're not and you will never be okay. Makakaramdam ka ng sakit because of me and I hate myself because of that."

Naglakad si Elmo papunta sakanyang kwarto. Umupo siya sakanyang kama at tinitigan ang picture nilang dalawa na nasa side table niya.

"I want you to be happy. I want us to be happy." At tuluyan ng tumulo ang kanyang luha na kanina pa niya pinipigilan.

Naiwan siya sa kusina. Napahawak siya sakanyang bibig para pigilan ang kanyang paghikbi. Nakita siya na umiiyak ni Elmo kanina habang nanunuod ng startalk. Hindi niya din alam kung bakit napaluha siya at hindi niya inaasahan na makikita ito ni Elmo.

"Sinabi ko naman na wag ka ng iiyak eh. Sinabi ko sayo na tama na. Sinabi ko na wag ka ng masasaktan pero bakit ganyan ka pa din? Iyak ka pa din ng iyak? Ano bang problema mo?" Sabi ni Julie sakanyang sarili.

Tumingin si Julie sa kwarto kung nasaan si Elmo. Alam niya na nasasaktan din ito. Nasasaktan ito para sakanya. Pinunasan niya ang kanyang luha.

"Tama na hindi ka pwedeng umiyak ng umiyak, Julie. Natatandaan mo? Ikaw ang lakas ni Elmo." Agad siyang pumunta sa kwarto ni Elmo.

"Baby ko.."

Tumingin si Elmo kay Julie. "Baby ko.."

Lumapit si Julie at niyakap niya si Elmo ng napaka higpit.

"Mahal na mahal kita." Sabi ni Julie.

"Mahal na mahal din kita, Julie Anne."

Hinarap ni Elmo si Julie sakanya. "Dapat pinapasaya kita pero ang nangyayari patuloy pa din kitang nasasaktan."

"Sino ba kasi ang may sabi sayo na pansinin mo lahat ng nangyayari sa paligid natin? Oo tama ka naman na hindi natin maiiwasan pero pwede naman nating kalimutan eh."

"In what way? How?"

Ngumiti si Julie at mabilisang hinalikan si Elmo sa pisngi.

"Kapag magkasama tayo. Everytime that Julie and Elmo are together..eveything seems..ohhhhh...so wonderful."

Natawa naman si Elmo. "Ohhhh so wonderful talaga?"

Tumango naman si Julie. "Naman! Diba ikaw ang lakas ko at ako ang lakas mo? Kakayanin natin ito."

"I know."

Hinaplos ni Elmo ang pisngi ni Julie.

"Ok lang na mabalitaan mo na lumalabas kami ni Janine?"

"Oo naman. Kasama mo si Janine pero kausap mo ko sa phone kaya ayos na ayos sakin." Ngiting sabi ni Julie.

"Ok lang na sabihin nila na nililigawan ko si Janine?"

"Oo naman. May boyfriend kaya si Janine. Atenista pa!"

"Sabi sa news break na sila?"

Nagkatinginan silang dalawa.

"PROMOTION!" Sabay nilang sabi at natawa sila.

"Ok lang na sabihin nilang rumored girlfriend ko si Lauren?"

"Oo naman! Rumored lang pala eh. Hindi naman sa bitter ako pero hanggang dun lang siya nakilala. Bilang Rumored girlfriend mo."

"Ok lang na sabihin nila na break na kami ni Lauren?"

Napatingin si Julie kay Elmo. "Bakit naging kayo ba talaga? Haha! Kidding! Oo naman. Don't forget that she is your past and I am your present so dedmakels na. You love me more, alam mo yan."

Napangiti naman si Elmo. "I love you more."

"See!" At natawa si Julie.

"Ayos lang ba talaga sayo na patago tayo kung magkita?"

Tumango naman si Julie. "Yup! At least nasosolo natin ang isa't isa. Walang maingay na press. Tahimik lang. Julie and Elmo time lang."

Hinawakan ni Elmo ang kamay ni Julie at hinalikan ito.

"Ok lang ba kung pakasalan mo na ko ngayon?"

Natawa si Julie. "Oo naman, tara?"

"Seryoso?" Tanong ni Elmo.

"Oo basta ba mapupuno mo ng tubig yung toilet bowl. Pag nagawa mo yun wala ng satsat papakasalan kita agad agad."

Nag pout naman si Elmo. "Ang imposible naman nun eh.."

"Adik ka kasi. Antay antay lang ano ka ba! Ang babata pa natin kasal na agad?"

"Bakit may anak naman na tayo ah?"

"Si Melo."

Tumango si Elmo. "Mommy ka na."

"Ako ba talaga Mommy niyan? Eh bakit lagi yan na kay Lauren?" Taas kilay na tanong ni Julie kay Elmo.

"Yaya."

At nahampas ni Julie si Elmo kakatawa. Ang sama lang ng boyfriend niya sa ex nito.

"Baliw. Basta Moe..mahal kita tandaan mo yan ah?"

Tumango naman si Elmo. "Mahal din kita. Pero ito last na talaga na tanong.."

"Paki bilis po at nagugutom na ko."

Ngumiti ng nakakaloko si Elmo. "Ok lang sayo na may kissing scene kami ni Janine?"

"Eh kung upakan kita? Ok lang ba sayo?"

Natawa naman siya. "Seryoso magkakaroon nga."

Binigyan naman ng Ah-ganun-look ni Julie si Elmo. Nilapit niya ang mukha niya kay Elmo hanggang sa mapahiga ang binata sakanyang kama. Kitang kita ang kaba nito. Napangiti naman ng nakakaloko si Julie. Ramdam na ramdam ni Elmo ang hininga ni Julie. Palapit na sa labi niya...

"Gagawa ako ng paraan para hindi mo magawa yun. Walang kissing scene na mangyayari."

Napalunok naman si Elmo. "Anong pa-paraan naman?"

Tsuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuup.

Kumalas si Julie. "Serves you right." At kinindatan niya si Elmo.

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon