"Will You"

1.4K 56 1
                                    

"Will You"

"Julie Anne! Pakibuksan yung pinto may nag doorbell!"

Sigaw ni Mama mula sa kusina. Dali dali naman akong bumaba mula sa kwarto ko. Kami lang kasi ni Mama ngayon sa bahay dahil si Joanna sinundo ni Papa mula sa bahay ng classmates niya. Sumama naman si Jac sa bahay nila Lola para makipaglaro.

"Sige po, Ma."

Mula sa bintana nakita ko ang sasakyan niya. Napangiti naman ako. Tinotoo niya ang sinabi niya na pupunta siya. Binuksan ko kaagad ang pinto.

"Moe!"

Excited kong bati sakanya. Hindi siya sumagot at inoffer lang niya ang kamay niya sakin. Napakunot noo ako pero hinawakan ko naman yun. Nakipag shakehands siya sakin.

"I'm here to introduce myself. I'm Elmo Moses Arroyo Magalona. Son of the Master Rapper. 21 years old."

"Moe?"

Ngumiti naman siya sakin.

"Elmo? Anak? Ikaw pala yan? Pasok ka."

Napatingin naman ako kay Mama. Pinaupo ni Mama si Elmo. Naupo naman ako sa tabi niya. Tinitingnan ko parin si Elmo. Ano bang nangyayari?

"Tamang tama ang dating mo, Elmo. Nagluto ako ng spaghetti. Merienda natin. Favorite mo yun diba? Teka, maiwan mo muna kayo."

At umalis na si Mama. Tumingin naman siya sakin.

"Moe? Okay ka lang? Bakit ka nagpakilala sakin kanina?"

Ngumiti lang siya sakin. Ngayon ko lang napansin na nakatago sa likod niya ang isa niyang kamay. Maya maya nilabas niya yun at may hawak itong roses.

"For you."

"Ohh..uhm..thank you."

Ang weird. Ano bang meron?

"Moe? Ano bang meron?"

Tumayo siya at lumuhod sa harap ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya.

"Huy! Anong ginagawa mo?"

Ngumiti siya sakin.

"Julie Anne San Jose, will you..."

Tinakpak ko ang bibig niya ng hintuturo ko.

"Hep. Ano yan? Proposal? Grabe ka naman, Moe. Kanina parang nanliligaw ka lang tapos ngayon proposal na kaagad? tinde mo talaga, Moks."

Umupo naman siya sa tabi ko. Nakita ko na ngumi-ngiti siya. Hinampas ko naman siya.

"Bakit ka ba natatawa ha?"

"Nakakatawa ka kasi Baby."

Ako daw ang nakakatawa?

"Bakit?"

"Edi ba sabi mo sa Sunday pinasaya dun sa segment niyo nila Barbie, ganito ang gusto mong gawin ng guy sayo? Magpapakilala, Manliligaw, may roses, dadalaw sa bahay at mag propose?"

Ayyy. Ayun pala yun.

"Baliw ka talaga. Ginawa mo naman?"

Natawa siya. "Oo naman. Baka maunahan pa ko ng iba, mahirap na."

"Adik ka talaga."

"Adik ako sayo. Tamang tama pala ang dalaw ko noh? Nagluto si Mama."

Pssh. Makikikain nanaman po itong Mamang ito. Sure na kaya! Takaw kaya niyan pero wag ka mahal ko yan.

"Luto talaga ni Mama ang hanap mo noh?"

"Aba! Oo naman noh."

"Anyway, nasaan sila Tito?"

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now