"Hologram"

2.7K 71 5
                                    

"Hologram"

This is it. Hologram concert. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako. Hindi naman ako ganito dati pero ewan ko ba kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Wieeeeee! Congrats Julieeee!"

Niyakap ako ni Maqui from behind.

"Thanks Maq."

"Ang daming tao."

Humarap ako sakanya. "Totoo? Hindi naman napuno eh."

Ngumiti sakin si Maqui. "Ano ka ba. Yung makita lang na nandito ang fans mo, sapat na yun."

Ngumiti ako. "I know."

Humarap ako sa salamin at nagsimulang mag-ayos.

"Pupunta siya?"

"Ha?"

Kinakausap ko si Maqui sa salamin.

"Come on! Alam mo kung anong tinutukoy ko."

Napatango ako. "Asa ka pa."

Tumawa siya. Tinititigan ko siya sa may salamin.

"Bakit ka natatawa?"

Ngumiti ng wagas si Maqui.

"Kung alam mo lang..alis na muna ko ah?! Enjoy your night."

Lumabas siya. Ako naman napailing. Tumingin akong muli sa salamin.

"You can do this."

Lalabas na sana ako ng biglang nag ring ang phone ko. Message. Unknown number.

I'm watching you.

Napakunot noo ako. Sino kaya ito? Baka wrong sent. Hinayaan ko nalang. Naglakad ako sa may hallway. Tumingin tingin sa palagid. Naririnig ko na ang boses ng mga adiks. Lalabas na ko. Maya maya maririnig ko na ang pangalan ko na tinatawag.

"Ms. Julie Anne!"

Lumingon ako sa likod ko.

"Po?"

Ngumiti sakin ang isang babae. Isa ata siya sa mga nag aasikaso sa seats.

"Doog kcul daw po."

Then sabay abot ng orange tulips. Kinabahan ako lalo. Napatitig lang ako sakanya. Wait did she..?

"Julie! Get ready!"

Iniwan ko muna yung bulaklak sa mesa. Lalabas na ko at bago yun tiningnan kong muli ang tulips. Pumikit ako. Nagdasal sa Panginoon. At sa bawat hiling ko sakanya, sinama ko dun ang hiling ng puso ko.

I wish you were here.

Nagsimula na ang concert. Kahit nakakahingal ang ginawa ko ayos lang kasi napasaya ko ang adiks.

"Sam Concepcion"

After nun lumabas ako. Hinanap ko yung orange tulips. Kinuha ko yun sabay takbo sa dressing room. Mamaya ko nalang tatanungin yung babae na nag abot sakin nito. Inamoy ko ang bulaklak. Ang bango. Natapos ako magbihis at inabot ko ang cellphone ko. Nakita ko may message nanaman.

Great performance. :)

Sino ba talaga ito? Bigla nanaman akong tinawag kaya hindi ko na napagtuunan ng pansin. May duet pala kami ni Sam. Naalala ko yung sinabi ni Sam kanina.

"Wag kang kabahan. Nandyan lang siya."

"Ano yun?"

Natawa siya. "Nothing."

Tumingin ako sa salamin. Ang sexy naman ng damit ko. Napaka revealing. Naalala ko siya, ayaw niya ng nagsusuot ako ng ganito. But who cares? Wala naman siya dito.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now