"Ice"

2.5K 73 1
                                    

"Ice"

"KUYAAAAAAA!"

Nasa sasakyan palang ako rinig ko na ang sigaw nila. Bumaba agad ako sa sasakyan at sinalubong sila ng yakap.

"Namiss ko kayo ah?"

"Kami din!"

Lumuhod ako sa harap nila.

"Happy Birthday Jac!"

Tumawa naman siya. "Hehe. Thank you, Kuya Elmo. Buti napunta ka. Akala ko hindi mo nanaman ako sisiputin eh."

"JAC!" Banta naman ni Joanna.

Ngumiti ako sakanila. Hinaplos ko ang mukha ni Jac.

"Sorry baby. Alam mo naman na hindi basta basta ang buhay ni Kuya Elmo. Pero lagi naman ako bumabawi diba? Hmm. Wag kang mag-alala, papasayahin kita ngayong araw."

Umiling naman si Jac at ngumiti sakin.

"Ok lang Kuya. Sapat ng nagpunta ka dito. Si Ate nalang pasayahin mo tutal miss na miss ka na niya."

"Totoo? Speaking of your Ate..nasaan ba siya?"

Napakagat labi naman si Joanna tsaka si Jac. Tumayo naman ako at napakunot noo. May kakaiba akong nararamdaman ah?

"Anong suot ng Ate niyo?"

"Uhmm..Kuya Elmo.."sabi ni Joanna.

Napakamot naman sa ulo si Jac.

"Kuya..."

"Joanna? Jac?" Banta ko sa dalawa.

Bigla silang tumawa at nagtatakbo.

"KUYA! SUNOD KA NALANG SA REST HOUSE! WE LOVE YOU!"

Napailing nalang ako. Ayaw nilang sabihin sakin. Mukhang alam ko na kung anong isinuot niya. Naglakad ako, may nakita akong buko juice dun kaya umorder muna ko. Naalala ko tuloy yung sinabi niya kahapon. Bago ko siya puntahan sa dressing room narinig ko sila ni Maqui na nag-uusap.

"Maquibabe!"

"Yes?"

"May binili akong swimwear. Ang ganda."

Tumingin naman ng masama sakanya si Maqui.

"Alam na ba ni Moe yan?"

"H..ha? Bakit naman kailangan si Moe agad?"

"Julie girl, kilala mo si Elmo. Pagdating sa katawan mo, halos balutin ka na ng kumot nun at itago ka sa likod ng kotse niya."

"Ok lang yan Maq. Tsaka, hindi magagalit yun. Magkagalit kami eh. Walampake sakin yun ngayon. Aba! Inaway away ako kanina dahil lang sa ginawa ni James. As if naman ginusto ko yung ginawa nung tao. Gago talaga siya."

Binatukan naman siya ni Maqui.

"Baliw ka! Wag ka ngang ganyan! Kapag sinuot mo yan, ako na nagsasabi sayo, mawawalan ka na ng jowa!"

"Kasalanan niya yun noh. Nang-aaway pa siya. Bahala siya. Kung gusto niya sumama siya dun, magbantay siya! Basta isusuot ko yun sa ayaw at sa gusto niya."

Nahampas ko naman yung mesa nung maalala ko yun. Iniinis talaga ako ni Julie. Ang pilya naman kasi niya eh. Maya maya may nakita akong babae na umahon galing sa dagat. Ang ganda niya. Parang nag slo-moe ang mundo ko. Napakunot noo ako. Ok. Alam ko na kung bakit naramdaman ko yun.

"Julie Anne San Jose."

Tumayo ako at agad na naglakad. Pupuntahan ko siya pero napatigil ako. Naisip ko na magkagalit pa nga pala kami. Kapag nagsabay kami ng init ng ulo, hindi na impossible ang paghihiwalay na sinasabi ni Maqui.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now