"After the Break up"

10.2K 16 0
                                    

There. I saw her standing. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ito nalang ulit kasi ang unang pagkakataon na makikita ko siya pagkatapos namin mag break last 3 months ago. Hindi pa ako ready na makita siya kasi alam kong ako ang may kasalanan sakanya. Duwag na kung duwag pero ayoko pa talaga siya makita. Nararamdaman ko kasi yung sakit na dinulot ko sakanya.

"Moe!" tawag sakin ng kapatid kong si Saab.

"Bakit?"

Tumabi siya sakin. "Wala naman, ang tahimik mo kasi eh. Ok ka lang ba?"

"Oo, ok lang naman ako."

"Sorry kung niyaya kita dito ah? Wala kasi akong kasama." paglalambing niya sakin.

"Ok lang yun ano ka ba. Buti nalang pumayag yung Boss ko na sumama ako."

Kinurot niya ang pisngi ko. "Ikaw! nagbago ka na talaga."

"Saab naman, sabi ko naman sayo na kurutin mo na ang lahat ng tao wag lang ako."

"Ang arteeeee! hahaha. Sige, ok lang ba kung iwan muna kita dito sandali? May kakausapin lang ako."

Tumango ako at ngumiti sakanya. Nang umalis si Saab tumingin ulit ako sa tinitingnan ko kanina kaso wala na siya. Nasaan na yun? Bakit biglang nawala? Siguro nakita niya ako kaya umalis na. Tumayo ako at lumabas sandali. Nagbabakasakali ako na makita ko siya sa labas. Inikot ng mga mata ko ang paligid pero wala siya dun. Pumasok ako sa loob ng wala sa sarili. May isang bakanteng upuan dun sa sulok at dun ko umupo. Ewan ko ba pero gusto kong mapag isa. Bakit ko nga ba siya hinahanap? Ang gulo mo lang Elmo.

"Hi. Pwede tumabi sayo?"

Nilingon ko kung sino yung nagsabi nun. Nagulat ako kasi hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko. Nakangiti pa siya sakin.

"Sure." Yun nalang ang tanging nasagot ko. nakatitig lang ako sakanya.

Umupo na siya sa tabi ko at nakangiti pa din siyang nakatitig sakin. Yumuko ako.

"Ito naman, bakit ayaw mo man lang akong tingnan?"

Inangat ko ang mukha ko at tiningnan siya.

"Edi mas maayos. Hehehe! Makakapag usap tayo ng matino." Ngiti niya sakin. "Ang daming tao noh? Ang tagal ko na din kasing hindi napunta dito."

Tumango ako sakanya. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako kasi bigla nalang siyang natawa.

"Elmo? Ayos ka lang ba talaga? Bakit ba hindi ka nakibo dyan?" Ayan nanaman wala akong nasagot sakanya. Tumingin siya sa ibang direksyon. Bigla siyang nagsalita.

"Wag mo ng isipin yun. Tapos na yun at ok na ang lahat."

Alam nga niya na iniisip ko pa din ang nangyari 3 months ago."May gusto sana akong itanog sayo"

"Ayun naman pala may kasama naman pala ako. Haha! Sure ano yun?"

"Galit ka ba sakin?" napatingin siya sakin at nawala ang mga ngiti niya. "Sorry, alam kong galit ka sakin. Stupid question." at napayuko nanaman ako.

"No." sagot niya na ikinagulat ko.

Tumingin ako ulit sakanya na para bang nagtatanong. "Bakit? Bakit hindi ka galit sakin?"

"Dahil wala naman akong karapatan magalit." ngumiti siya."Magkaibigan tayo diba? Hindi mo naman kasalanan na mahulog ako sayo."

"Naging tayo." sagot ko sakanya.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now