"Tulay"

1.3K 54 0
                                    

"Tulay"

Maaga akong nakarating sa studio ng SPS ngayon. May nakalagay na earplugs sa tenga ko dahil pinapakinggan ko ang mga kanta ko. Nakaagaw pansin sakin si Ate Marian sa may green room. Tawa siya ng tawa.

"Ate?"

Tumingin naman siya sakin at ngumiti.

"Nandito na pala ang baby girl ko."

Lumapit naman ako sakanya at bumeso. Umupo naman ako sa tabi niya. Tinanggal ko din ang earphones na nakalagay sa tenga ko.

"Ate? Bakit tawa ka ng tawa?"

"Hmm. Wala naman. Naisip ko lang na magiging masaya ang araw na ito para sa mga cast ng caring deria."

Napaisip naman ako. Kasali ako dun ah? Ako pa nga si Shoni.

"Anong meron dun, Ate?"

Ngumisi lang siya. "Basta."

At tumayo na siya. Lumabas na siya ng green room. Naiwan naman akong nag-iisip. Hinayaan ko nalang hanggang sa nagsimula na ang show. Natapos ang kantaserye. Nagkaroon ng second chance si Ligaya at Rico. Sana sa buhay pag-ibig ko, may second chance din.

"Julie? Be ready for Caring Deria."

Sabi nung isang staff. Nagbihis naman na ako. Maya maya lumapit sakin si Mama.

"Anak, nandito pala siya."

Napakunot noo naman ako.

"Sino po Mama?"

"Uhm..si ano..si Janine."

Nablanko naman ang mukha ko nun. Bumalik ako sa pag make up.

"Okay ka lang anak?"

Pilit akong ngumiti. "Okay lang po."

Hindi nalang nagtanong pa si Mama. Bumaba ako at nakita ko si Janine na nakatayo dun. Ngumiti naman siya sakin.

"Hi Julie Anne."

Ngumiti din naman ako.

"Hello Janine."

"Hmm. Wala pa naman. Hindi pa tapos yung isang segment."

"Ah talaga? Sige kukuha muna kasi ako ng water naubusan kasi ako sa taas."

Lumapit naman siya sakin.

"Pwede bang mag-usap muna tayo?"

Huminga ako ng malalim bago tumango sakanya. Pumasok muna kami sa isang dressing room dun na walang tao. Naupo kami.

"Anong pag-uusapan natin?"

Natawa naman siya. "Julie, alam ko naman na alam mo ang gusto kong pag-usapan nating dalawa. Isang dahilan lang naman, i mean isang tao lang naman ang kumukonekta sating dalawa eh."

Tama naman siya. Ano pa ba ang magiging dahilan diba? Iisa lang naman.

"Alam ko na miss na miss mo na si Elmo. Ganun din kasi siya sayo. Nung nakita ko yung post mo sa IG mo na binura mo? Yung bear? Sakanya galing yun diba?"

"Paano mo.."

"Alam kong sakanya galing yun kasi nakita ko yun sa condo niya. Bibisitahin ko sana siya ng may nakita akong nag deliver nun sa unit niya. Tinanong ko siya kung may pagbibigyan ba siya nun, Oo daw. Umaasa nga ako na sana sakin nalang." Natatawa niyang sabi.

"Janine.."

"Inisip ko nalang na mahilig sa bear yung pagbibigyan niya. Naisip ko din na 50/50 na baka nga ikaw ang makatanggap ng bear na yun. Kaso napatunayan yun ng post mo."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now