"Upuan"

5.1K 53 6
                                    

"Upuan"

"CHEERS!"

Lahat nagkakasiyahan. Lahat nagagalak sa naging resulta ng PhilPop. Magkakasama lahat ng mga artistang nasa iisang station.

"Moe! Late ka ah?"

"Hindi naman, masyado lang kayong maaga."

Napailing ang kanyang kausap. Mukhang hindi ito naniniwala sa binata.

"Weh?"

Natawa si Elmo. "Seryoso nga. Maaga lang kayo. Ano na pala mga nangyayari?"

"Wala naman. Inuman lang. Kain ng kain."

"Tamang tama nagugutom na ko."

Umalis si Elmo at pumunta kung nasaan nakahain ang mga pagkain. Napatigil ang lahat ng may pumasok sa venue. Kahit siya napatigil sa pagkuha ng pagkain.

"Yow yow Julie Girl! You look beautiful tonight ah? Pinaghandaan?"Sabi ni Jay-R.

"Ikaw talaga Kuya."

"Ms. Julie. Tumabi nalang po kayo kasama yung mga ibang taga GMA network. May bakanteng upuan po dun. Hmm. Sa tabi ni Mr. Magalona."

Napatingin siya sa lalaking uupo palang sa kanyang upuan. Nakatingin ito sakanya. Nag-aalangan siyang umupo sa tabi nito. Hindi kasi niya mabasa ang mata nito.

"Wala na po bang ibang space?"

"Ayy bakit po? Ayaw niyo po bang katabi si Mr. Elmo?"

"Ha? Ahh. Hindi naman. Sabi ko nga okay lang eh. Sige punta na ko dun."

Lumakad na siya papunta sa table kung saan siya uupo ng mapansin niyang may kausap si Elmo. Si Sam. Nakalapit na siya ng hindi napapansin ng binata na nakatayo na siya malapit dito.

"Sam, may pagkwentuhan sana kami ni Jasmine. Pwede ko muna ba siyang makausap?"

"Oo naman."

Umupo si Julie. Napayuko siya. Mukhang ayaw siyang katabi ng binata.

"Eyy. Julie, nandito ka na pala." Bumeso si Sam kay Julie.

Ngumiti si Julie. "Hi Sam."

"Kumain ka na ba?"

Tumango siya. Ang totoo niyan nagugutom na talaga siya. Nawalan lang siya ng gana ng marinig niya at mapansin na iniiwasan talaga siya ni Elmo.

"Sayang naman masarap pa naman yung pagkain."

Ngiti lang ang sinagot ni Julie. Kinuha niya ang cellphone niya at naglaro at nag soundtrip nalang. Nagpaalam muna sandali si Sam para makausap ang iba niyang kaibigan. Tumingin siya sa harap niya. Nandun si Elmo at Jasmine. Nagtatawanan. Napailing nalang si Julie. She need to focus. Hindi kay Elmo pero sa ibang bagay.

"Moe, puntahan ko lang sandali si Sam ah? May itatanong lang ako."

Tumayo si Jasmine at pinuntahan si Sam. Naiwan si Elmo at Julie. Nagkatinginan silang dalawa at umiwas din ng tingin.

"Akala mo naman gwapo kung makaiwas, wagas." Bulong ni Julie.

Pinagpatuloy ni Elmo ang pagkain niya. Minsan napapatingin siya kay Julie pero kapag nakakaramdam ito na tinitingnan siya eh umiiwas din ito. Napansin niya na hinihimas ni Julie ang braso nito.

"Magsusuot ng sexy tapo lalamigin. Tss."

Tumayo si Elmo at umalis. Napatingin sakanya si Julie.

"Ano bang problema nun? Kapag nasa SAS kami, ayos naman. Pabago bago talaga siya. Bipolar."

Maya maya nakaramdam si Julie ng isang tela na bumalot sa balikat niya. Inangat niya ang kanyang tingin. Nagulat siya kung sino yun. Umupo ito sa tabi niya. Sa bakanteng upuan. May nilapag ito na pagkain sa harap niya.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now