"Spell"

1.2K 48 3
                                    


"Spell"

"Nag ba-bonding kayo di niyo ko sinasali."

Napatingin naman sila Mama sakin. Ngumiti sila.

"Akala namin may ginagawa ka sa taas."

"Meron nga po. Thesis. Nainip po ako kaya bumaba ako."

Kasalukuyang nanunuod sila ng TV. Sa lapag ako nakaupo habang si Mama kanlong si Jac. At si Papa naman nakaupo sa sofa. Nanunuod lang kami ng spongebob.

"Ma, Pa, Kapamilya na pala si Kuya Elmo?"

Napatingin kami kay Joanna na kabababa lang sa kanyang kwarto. May hawak itong ipad.

"S..Sorry Ate."

Pilit akong ngumiti. "Ano ka ba, okay lang. Lika nuod tayo. Maganda itong episode ni spongebob."

Umupo si Joanna sa tabi ko. Kitang kita ko yung hawak niyang ipad. Nandun ang mukha niya. Tinuon ko nalang ang pansin ko sa TV. Ilang sandali pa bigla itong namatay. Tumingin ako kay Papa.

"Pa? Bakit niyo po pinatay?"

Tumayo siya at pumunta sa may harap ko. Umupo siya doon. Si Mama at Jac din umupo sa lapag.

"Ma? Pa?"

Pilit silang ngumiti sakin.

"Okay lang kung iiyak mo yan anak." Sabi ni Papa.

Tumango naman si Mama. "Oo nga anak. Hindi mo naman kailangan itago samin eh. Okay lang. Nandito kami."

"P..Pero okay lang po ako.."

Naramdaman ko ang paghawak ni Joanna at Jac sa magkabila kong kamay.

"Okay lang yan, Ate."

Napayuko ako. Bakit parang pinapaiyak nila ako? Ayos lang naman ako eh. Ayos nga lang ba talaga ako? Matagal ko ng alam na lilipat siya, hindi na bago yun pero bakit ganito? Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"Sige lang anak..ilabas mo lang yan."

"Ma..Pa..ang sakit po. Iniwan na niya ko."

Pinunasan ni Papa ang mata ko. Pinaharap niya ko sakanya.

"Yun ba talaga ang tingin mo?"

Tumango naman ako. "Opo. Nangako kami sa isa't isa. Walang iwanan. Dipa po tapos ang laban eh. Di pa kami nakakaabot sa finish line iniwan na niya ko."

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at hinalikan yun. Nilagay niya yun sa pisngi niya.

"Anak hindi ibig sabihin na kapag lumipat siya eh tapos na ang laban niyong dalawa. Na iniwan ka na niya sa kalagitnaan ng race. Hindi ganun yun anak."

"Pero Ma.."

"Alam mo Ate, namimiss mo lang si Kuya Elmo. Naninibago ka kasi nasa Kapamilya na siya at ikaw nasa Kapuso. Nakita namin kung gaano ka kamahal ni Kuya Elmo, wag mong isipin na iniwan ka niya."

Sabi ni Joanna. Hindi ako nakapagsalita kasi lahat ng sinabi nila totoo. Hindi ko din maintindihan kung bakit ko iniisip ito eh. Hindi naman dapat lalo na ako ang unang taong sinabihan ni Elmo na lilipat na siya.

"Ate."

Nagulat ako ng hawakan ni Jac ang magkabila kong pisngi. Magkalapit ang mukha naming dalawa. She's being extra sweet. My little sisters.

"Remember, Binalikan ni Nyel si Beto sa farm? Babalik at babalikan ka din ni Kuya Elmo. Kasi diba ikaw ang farm niya? Ang mahal na mahal niyang farm?"

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now