"Lucy"

4.4K 44 2
                                    

"Lucy"

"Oo nga maganda nga daw yun."

"Nuod tayo?"

"Sige!"

Napahinto siya sa paglalakad. Nagtaka naman ako kung bakit siya huminto. Tumingin ako sa harap namin. Napalaki naman ang mata ko sa aking nakita. Halos napatigil din ang pagtibok ng puso ko.

"Julie, tara na?" Sabi ni Maqui sakin.

Dahan dahan naman akong tumango habang nakatingin pa din sakanyang mata. Kinuha ni Maqui ang kamay ko at naglakad na papunta sa dressing room. Papasok na sana kami ng hinawakan niya ang kamay ko. Pareho kaming napahinto ni Maqui sa paglalakad.

"Moe, let her go."

Narinig kong sabi ni Maqui. Nakatingin ako sakanya habang siya naman nakatingin sa ibang direksyon habang hawak ang aking kamay.

"I won't."

Pagkasabi niya nun tumingin siya sakin tapos binitiwan niya ang kamay ko. Naglakad siya palayo saamin. Hinatak ako ni Maqui papasok sa dressing room.

"Alam mo hindi ko talaga maintindihan si Moses! Grabedad! Para siyang bagyo! Hindi mo alam kung lalakas o hihina. Pabago bago. Ano bang nangyayari sa lalaking yan? Hindi na siya ang baby boy ko."

Tahimik lang ako na nakatingin sa salamin. Tinitingnan ko ang sarili ko.

"Uii, Joleng! Anyare? Bakit di ka na nakapagsalita dyan?"

"Maq..."

"Ohh?"

Tumingin ako sakanya sa may salamin.

"Bakit ganito?"

Kumunot ang noo niya. "Anong bakit ganito?"

Humawak ako sa dibdib ko.

"Ang bilis ng tibok ng puso ko.."

Nakatingin lang sakin si Maqui.

"Ang bilis bilis. Sa sobrang bilis parang gusto na niyang lumabas sa dibdib ko. Nahihirapan din akong huminga. Naninikip ang dibdib ko."

"Julie.."

Humarap ako sakanya. Hindi ko alam kung bakit pero may namumuo na mainit na tubig sa aking mata.

"Possible bang mainlove ka ng paulit ulit sa taong sobrang nakasakit sayo?"

Ngumiti siya sakin. Lumapit siya at niyakap niya ko.

"Mahal na mahal mo talaga siya." Bulong ni Maqui.

"Tingin mo?"

Tumango siya. Kumalas siya sa yakap namin tapos hinawakan niya ang kamay ko.

"Oo naman. Sakanya mo lang nararamdaman yan eh. Siya lang ang nakakagawa niyan sayo."

Napailing nalang ako. Napaupo ako bigla dahil sa nararamdaman ko.

"Nagsimula na ko Maq eh. Nasimulan ko na mag let go. Ang i-let go siya pero bakit kapag nakikita ko siya, kapag nalalapitan ko siya, kapag tumitingin siya sakin, kapag hahawakan niya ko, bakit bumabalik lahat lahat? Bakit parang bumabalik kami sa unang encounter namin? Bakit bumabalik yung damdamin na pilit ko ng kinakalimutan.."

Umupo siya sa tabi ko.

"Alam mo Julie, may mga pangyayari na talaga na hindi mo inaasahan. May mga ala-ala na bigla nalang babalik sa hindi mo inaasahan na oras at panahon. Panahon na hindi ka handa. Julie, mahal mo siya. Kalimutan mo man, babalik at babalik pa din. Gusto mo bang malaman kung bakit?"

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now