"You'll be Safe"

1.6K 67 2
                                    

"You'll be Safe"

Nagtatawanan kami at magkukwentuhan sa entertainment room kasama ang pamilya ko ng biglang may nag doorbell. Ako na ang nagprisinta na magbukas.

"Sino yan?"

Then I opened it. Nagulat ako kung sino yun. Nakayuko lang siya sa harapan ko.

"Julie.."

Bigla akong nakakita ng pagpatak ng luha mula sa mata niya. Nabitawan ko ang hawak ko na beer in can at niyakap ko siya.

"What happened?"

Iyak lang ang tanging naging sagot niya sakin. Tumingin ako sa paligid wala namang tao. Gusto ko man siyang ipasok sa loob pero tingin ko mas gusto niya na kami lang ang magkasama.

"Okay, not here. Let's go."

Naglakad kaming dalawa papunta sa fire exit. Dun nalang kami aakyat tutal malapit lang ang rooftop. Bago pa man kami nakarating sa rooftop umupo siya sa may hagdanan.

"Julie.."

"I'm in pain.."

Yun lang ang sinabi niya at naiyak nanaman siya. Inakbayan ko siya para kahit papaano mabawasan ang sama ng loob niya. Maya maya nag ring ang phone ko. Sinagot ko naman yun.

"Hello?"

"Elmo."

"Tit..o"

"Ako nga. Hinditid ko dyan si Julie. Kung hindi mo pa alam, may sumabunot na fan kay Julie."

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. Tiningnan ko si Julie. Tiningnan ko ang maganda niyang buhok.

"Tito.."

"Elmo anak?"

Boses ni Tita Ivic. Narinig ko na parang naiiyak siya.

"Elmo anak, please..ikaw muna ang bahala kay Julie. She needs you. She needs her partner. Hindi ko na alam kung san pa kukuha ng lakas si Julie..." Iyak ni Tita.

Hinawakan ko ang kamay ni Julie.

"I'll take care of her."

Binaba ko na ang tawag. Pumunta ako sa harap ni Julie. Pumantay ako sakanya. Inangat ko ang baba niya para makatingin siya sakin.

"Stay with me, I'll protect you."

Niyakap naman niya ko. Iyak lang siya ng iyak. Ayoko ng ganito eh. Hindi ko naman din kasi akalain na hahantong sa sakitan ang galit sakanya ng mga fans ng iba. Wala naman siyang kasalanan. Wala siyang ginagawang mali.

"Julie..."

Nag stay kami sa ganung posisyon. Nakakangalay pero hinayaan ko lang. Maya maya naramdaman ko na pantay na ang paghinga ni Julie. Tulog na ata siya. Dahil nakakapit siya sa leeg ko. Nilagay ko ang kamay ko sa legs niya at binuhat siya. Karga karga ko siya ngayon. Ang gaan niya. Hindi pa ata siya kumakain. Dinala ko siya sa condo.

"Oh Moe? Sino yan?"

Lumapit sila sakin at tiningnan kung sino ang karga karga ko.

"Si Julie? Anong nangyari sakanya?" Tanong ni Mommy.

"Dalhin muna natin siya sa kwarto ni Moe." Sabi ni Max.

Hiniga ko si Julie sa kama ko. Kinumutan ko naman siya. Hinaplos ko ang maganda niya buhok. Naawa ako sakanya kasi kita ko ang sakit at pagod sa mukha niya.

"Moe? Ikwento mo samin sa labas kung anong nangyari sakanya."

Tumango naman ako. Pumunta na kami sa labas.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now