"Out of Words"

2.5K 61 2
                                    

"Out of Words"

Saying I love you..is not the words I want to hear from you.

"Hey."

Hinawakan niya ko sa bewang ko. Tumingala ako at nakita ko ang maganda niyang mata. Naramdaman ko din ang matigas niyang dibdib. Nakasandal pala ang likod ko sakanya.

"Are you okay?"

Nakita ko ang concern sa mata niya. Ang concern sa boses niya.

"Julie? Elmo?"

Napaayos kami bigla ng may marinig kami.

"Julie, be ready kasi next na yung prod mo. Kaya mo ba talaga?"

Tumango ako. Hindi ako makatingin sakanya kahit na alam ko na tinitingnan niya ko.

"Opo."

"Okay sige."

Umalis na yung staff. Maglalakad na sana ako papunta sa stage ng bigla niya kong hinawakan.

"Julie.."

Tumingin ako sakanya at bahagyang ngumiti.

"I'm okay Moe. I'm okay."

Iniwan ko siya. Naramdaman ko pa din na nakatingin siya sakin. Gusto ko siyang lingunin. Gusto ko siyang yakapin pero wala na kong karapatan. Hindi na ako ang leading lady niya.

"Right where you belong"

Pagkatapos ko kumanta, inalalayan ako ni Kuya Dong. Masama talaga ang pakiramdam ko.

"Little Girl."

"Yes Kuya?"

Ngumiti siya sakin. "Proud kami sayo ni Ate Yan mo. Ang galing mo talaga eh. Gold na."

"Thanks po. Hindi ko nga din po inexpect yun."

"Sa galing mong yan? Haha. Pero alam mo, may kilala ako na sobrang proud na proud sayo."

Napakunot noo ako. "Sino naman po?"

"Me."

Napatingin ako sa harap namin. Naramdaman ko ang paglapit ni Kuya Dong sa tenga ko. Bumulong siya.

"He belongs to you."

Napatingin ako sakanya. Kinuha niya ang kamay ko. Hinatak naman niya si Elmo papalapit sakin. Kinuha niya ang kamay ni Elmo at inilagay sa bewang ko.

"Ingatan mo, Elmo." Masayang sabi ni Kuya Dong sa amin.

Napailing nalang ako. Si Kuya talaga. Tumingin ako sa katabi ko. Halos magulat ako at mapaatras kasi sobrang lapit niya sakin.

"Tara?"

Tumango ako. Habang inaalalayan niya ko, ramdam ko ang mga titig niya sakin. Umakyat kami sa hagdanan. Dahil sa naka focus sakin ang mga mata niya, hindi niya nakita na may dumaan at nabangga ako. Dahilan para mapayakap ako sakanya at mapayakap siya sakin. Nagkatitigan kaming dalawa.

"Get well Julie."

After saying that? Hinalikan niya ko sa noo ko. Napapikit ako. Gusto kong umiyak. Gustong kong maiyak.

"Moe.."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Namiss ko siya. Namiss ko ang amoy niya. Namiss ko ang dibdib niya kung saan maririnig ang napakalakas na tibok ng puso niya.

"I have something for you." Sabi niya.

Tumango ako. Inalalayan niya ko sa dressing room. Tumakbo siya palabas at ng makabalik siya may dala siyang paperbag. Nilabas niya ang laman nito.

"You eat first. Wala pa naman sila Tito."

"Paano mo nalaman na wala sila Papa?"

Inayos niya ang soup at kung ano ano pa sa mesa.

"Hinanap ko siya sa Parking. Tinawagan ko din si Tita. Sabi niya may pinuntahan lang daw sila. Bumili ata ng gamot mo."

Napatango nalang ako.

"Ubusin mo toh ah?"

"Ang dami niyan."

"Mabuti na yun para gumaling ka. Nalaman ko kasi na may sakit ka kaya nagluto ako kanina. Pinainit ko nalang para masarap."

"Nagluto ka?"

Tumango siya.

"Yan ba ang dahilan kung bakit late ka kanina?"

Narinig ko kasi na napagalitan si Elmo kasi late nanaman siya.

"Parang ganun na nga pero ano naman? Iintindihin ko pa ba ang galit nila sa sakit mo?"

Nanlambot naman ang puso ko. Alam ko na bumabawi siya sakin dahil sa prod na nangyari kanina pero hindi ko alam na sobrang effort talaga ang binibigay niya. Di ko lang nakikita. Tumayo ako at lumapit sakanya.

"Moe."

"Hmm?"

Bigla siyang napatingin sakin. Gulat na gulat.

"Para saan yun?"

"Para sayo."

Ngumiti ako sakanya pero napalitan din yun. Nagulat ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ko sa labi.

"Para saan yun?"

Tanong ko sakanya.

"Para sayo. Binabalik ko lang yung ginawa mo sakin."

Ngumiti siya ng nakakaloko. Nahampas ko tuloy siya. Pinaupo niya ko. Hindi sa upuan kundi sa lap niya. Niyakap niya ko.

"Magpagaling ka and please, alagaan mo ang sarili mo. Ayokong nagkakasakit ka."

Tumango ako at ngumiti. Kinain ko ang niluto niya. Sandali lang kami kumain kasi nakatanggap ako ng tawag mula kay Papa. Nasa ibaba na daw sila.

"Kailangan ko ng umalis."

Tumango siya. "Ihahatid na kita."

Hinatid niya ko sa parking lot. Nasa may hagdanan muna kami. Hindi pa tuluyang bumababa.

"May sasabihin ako sayo."

"Ano yun?"

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.

"Saying I love you is not enough just to show you how much you mean to me. Just remember this, I'm here. Always. Hindi ko hawak ang mga pwede pang mangyari pero asahan mo na nandito lang ako. Nandito lang ako, Julie."

I'm out of words again. Hindi ko nanaman alam ang isasagot ko sakanya kapag ganyan siya. Palagi nalang akong napapa speechless sakanya.

"I don't know what to say. I'm out of words."

Ngumiti siya sakin.

"More than words?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Umiwas din ako sakanya.

"Sige na, dun ka na sa leading lady mo."

Narinig ko ang tawa niya.

"Selosa."

"Bahala ka." Sabi ko.

Bigla kong naramdaman ang mahigpit niyang kapit sa bewang ko. Napahawak ako sa balikat niya.

"Moe?"

Ngumiti siya. "

"I'm here Julie. I'm here."

Naramdaman ko nanaman ang labi niya. This time, matagal na. Kumalas siya nagulat ako.

HAAAAAAACHUUUUUUU!

Natawa ako.

"Thanks Moe. Gagaling na ko. Kinuha mo na ang sakit ko."

"Julie Anne!"

"Mahal kita kahit na may sipon ka pa."

"Ako naman ata magkakasakit." Paawa effect niya.

Ngumiti ako. "Don't worry, Moe. I'm here. I'll take good care of you."

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now