"For-TEEN"

10.4K 27 0
                                    

"Elmo?"

May bumato kasi na isang maliit na papel mula sakanyang bintana. Binasa niya kung ano ang nakasulat dun at napalabas siya sa may veranda. Nakita niya ang binata na nasa ibaba at nakangiting nakatingin sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Wala lang. Gusto lang kitang makita."

Natawa naman si Julie. "Magkikita naman tayo sa sabado, sa tech.reh. at tingnan mo nga yung suot mo naka pajama ka pa. Umuwi ka na.

"Ayoko. At ano naman ang masama kung naka pajama ako? Ikaw din kaya! Bumaba ka nga muna dito."

"Gusto mong pagalitan ako ni Papa? Gabi na kaya."

"Kapag hindi ka bumaba kakatok ako! Sasabihin ko kala Tita na pinapunta mo ko dito."

"Aba! Nanakot pa ang loko! Cheeee! Edi gawin mo kung kaya mo!"

Ngumiti naman ng nakakaloko ang binata. "Ok sabi mo eh!"

Naglakad si Elmo papunta sa gate nila Julie. Kakatok na siya ng mapansin niyang nawala si Julie sa veranda. Napangiti siya dahil isa lang ang ibig sabihin nun...

"Ano ba kasing kailangan mo?" bumukas ang pinto ng gate nila Julie.

"Ikaw." Ngiting sagot ni Elmo.

"Loko ka talaga Moe. Wala ka nanamang magawa noh at ako ang kinukulit mo?"

"Wala nga. Hehe! Lika upo muna tayo dito." At umupo sila sa semento.

"Kapag talaga nahuli tayo nila Papa patay nanaman."

"Hindi yan. Kamusta naman yung event? Yung sa unisilver?"

"hmm..ok lang naman. Masaya at nakakapagod. Ikaw? Kamusta naman ang araw mo?"

"Normal lang."

Natawa naman si Julie. "Sabi mo nga. Teka, akala ko ba matutulog ka lang buong magdamag at gigising ka lang kapag 15 na?"

"Hahaha! Naniwala ka talaga? Ok. Totoo naman na natulog lang ako magdamag pero siyempre gumising din naman ako kasi may event akong pinuntahan."

"Hindi ka pa ba pagod? May event ka palang pinuntahan edi sana nagpahinga ka nalang."

Isinandal ni Elmo ang ulo niya sa balikat ni Julie. Hindi na pinansin pa ni Julie ang ginawa ni Elmo dahil madalas naman niya itong gawin lalo na kapag magkasama silang dalawa.

"Inaantok ka na? Uwi na."

"Ayoko pa."

"Ang kulit talaga. Haha."

Hindi na sumagot pa si Elmo. Nanatili silang tahimik at dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Tiningnan ni Julie kung natutulog na ba si Elmo pero gising pa naman ito. Naramdaman ni Julie na medyo napapatagal na sila sa labas.

"Uhmm..Moe? ano kasi eh.."

"Sama ka sakin." Umayos ng upo si Elmo.

"Ha?"

Tumayo si Elmo at nilahad niya ang kamay niya kay Julie. Kinuha ni Julie ang kamay ni Elmo para siya ay makatayo.

"Pakiulit nga yung sinabi mo sakin."

"Sabi ko...sama ka sakin."

"Sama ako sayo? Baliw ka ba? Saan naman tayo pupunta?"

"Basta."

"No. Ayoko. Bahala ka nga Elmo. Kapag napagalitan tayo ni Papa at Mama naku sinasabi ko sayo malilintikan ka sakin."

Natawa naman si Elmo. "Ano ka ba Julie, tulog na si Tito at Tita hindi na nila mahahalata na umalis ka."

JuliElmo One Shots (All in One)Where stories live. Discover now