Ibang pamilya?
HEIRA'S POV
"Pa'nong magkapatid kayo, este kambal eh hindi naman magkapareho ang apelido niyo?" Tanong ni Vance sa 'min. "Ginagago niyo ba kami?"
Nang-akusa pa.
"Hindi ako naniniwala sa inyo. Ayaw mo lang niyang aminin na may boyfriend ka na!"
Sinamaan ko naman ng tingin si Alexis. Kung makasigaw, wagas. Kanina, nung sinabi ni Kio na boyfriend ko siya 'kuno ay hindi sila naniwala tapos ngayong sinabi kong kapatid ko siya, hindi pa rin sila naniniwala.
Yung totoo? Hindi ba 'ko kapanipaniwala?
"Hindi ka tumupad sa deal, Yakie. Isinisumpa kita, hindi kayo magiging masaya!"
Nagkame-kame-wave pa si Kenji habang sinasabi 'yon. Ngumiwi na lang ako. Anong tingin niya sa ginawa niya? Si San Goku?
"Siya, nakaapelido kay daddy, ako naman, apelido ni mommy ang gamit ko. Ayos na?" Sarcastic na paliwanag ko sa kanila.
"Luh, pa'no 'yon?" Tanong ni Xavier. "Sabay ipinanganak pero hindi pareho ang apelido."
Hindi naman kasi kami sabay ipinanganak, nauna lang siya ng dalawang minuto. Pa'no kami makakapalabas sa ano ni mommy ng sabay?!
"Tanong mo sa hospital."
"Ayaw ko nga, baka nakasakay na 'ko sa wheel chair pagkalabas ko."
Marami pa silang itinanong pero si Kio lang ang sumasagot. Habang nakatingin siya sa iba, kami naman ni Kenji ay kumukupit sa pagkain niya. Pinipigilan pa naming dalawa ang tawa namin dahil hindi man lang kami napapansin ni Kio.
Nag-appear-an pa kaming dalawa kapag nakukuha namin yung chicken fillet ni Kio sa plato niya. Kapag talaga sa kalokohan, magkasundo kami neto.
Nagpatay malisya kaming dalawa ng tumuhog si Kio ng ulam niya pero wala ng laman 'yon. Plato na lang at kanin. Nagtaka pa nga siya at hinanap ang ulam sa lamesa.
"Where's my food?" Tanong niya sa 'kin pero hindi ako sumagot sa kaniya.
"PITIK-BULAG!" Kunwari kaming naglalaro ni Kenji para lang hindi niya kami mahalata.
Ubos na rin naman ang pagkain namin. Hinihintay na lang naming matapos yung iba. Sa totoo lang, hindi ko naman alam kung anong pinaglalaruan namin, nakikisakay lang ako sa ginagawa ni Kenji.
"Yakiesha." Mas maotoridad na tawag niya, nagpipigil kami ng tawa ni Kenji.
Kawawa naman ang kakambal ko. Walang nakain kundi puro kanin at sabaw. Ang bagal kasing kumain eh. Inuna pa ang kwento niya.
"if you don’t tell me who took my food, sasabihin ko sa lahat kung sino ang crush mo." Pagbabanta niya.
Nanlaki naman ang mata ko kaya naman kaagad akong umamin sa kaniya, bahala na, hindi niya naman ako gagantihan.
"Ako. Ako, ang kumain." Nakasimangot na sagot ko.
"I bought you your food, why did you eat mine?"
"Gutom pa kasi ako, Kio hehehe." Nagpeace sign pa 'ko sa kaniya.
Wala naman siyang nagawa kundi bumuntong hininga. Sanay naman 'to na konti ang kinakain. Gano'n kasi ang gawain niya sa New York. Parang isang subuan ko lang ang kinakain niya maghapon, kaya siya payatot.
"Kambal talaga kayo? Hindi niyo naman kami pinagloloko?" Tanong ni Timber, naninigurado pa talaga.
"Gusto mong kunin ko pa yung birth certificate ko?"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
