Kilalang-kilala kita
HEIRA'S POV
"Sa'n mo ba binili 'yan?" Pasimpleng tanong ko sa kaniya.
Kasi naman! Gusto ko talaga no'n, mukha kasing ang lutong tapos brown na brown talaga! Aissssh! Asa naman akong bibigyan ako netong kulapo na 'to, sa mukha niya pa lang alam mo ng maramot na!
Char.
Kainis naman! Hindi siya sumagot sa tanong ko, hindi niya rin binubuksan ang pagkain niya. Nakapoker face lang siya at nakacross arm.
Wala naman akong ginagawang masama! Nagtatanong lang naman ako eh. Bwisit naman.
Humiga na lang ako ulit ako at nagtakip ng mukha. Para akong tangang nagtatanong sa isang taong puro tsk lang ang sagot.
Ako lang ang nakahiga sa kanila. Nagtatawanan na nga yung iba. Ano kayang pinag-uusapan nila? Hindi ako makapick up kaya hindi ako makasunod at hindi ako makasali sa kanila.
"Dapat kasi umamin ka na lang sa kaniya." Narinig kong bulong ni Eiya, nasa malapit lang kasi siya.
Si Trina pala ang kausap niya, masyado silang malapit kaya naman alam kong may sikreto silang tinatago, hindi naman sila magbubulungan kung wala.
Pero alam ko naman ang bulong ni Eiya ay parang normal na boses niya lang kaya naririnig ko kahit ayaw kong marinig.
"Ih, kasi naman, may ano... may a-ano siya." Hindi alam ni Trina ang isasagot niya kaya naman kumamot na lang siya ng ulo niya.
"May ano? Ano? Puro ka na lang ano, anohin kita riyan eh."
"May iba siyang gusto, alam ko nagdidate na silang dalawa."
"Sino? Yung Tiffany?"
"Oo, anak ka ng nanay mo, bakit mo pa sinabi ang pangalan niya, nakakainis ka!" Hinampas ni Trina ang balikat ni Eiya.
Sinong Tiffany? Bakit wala akong alam sa mga pinagsasabi nila? Aamin daw si Trina pero kanino? Tapos sino sino yung dinidate ni Tiffany?
"Tama naman ako, ang bagal mo kasi, ayan tuloy ang ending nagseselos ka?" Natatawang sambit ni Eiya.
"Hayaan mo, gusto ko lang naman siya, iiwasan ko lang siya."
"Eh?" Tumabingi pa ang ulo niya.
"Oo, mawawala rin 'to 'no! Nawala na nga yung feelings ko sa ex ko, sure akong mawawala rin ang feelings ko sa bonak na 'yon."
Sinong bonak? Bonakid? Bata? Bata ang gusto niya?! Hala! Hindi pwede 'yon, pedophilia.
"Ilang araw mo na ngang iniiwasan pero nandiyan pa rin. Ayos ka lang?"
"Psh! Kasi naman eh. Ang gulo-gulo, nakakaimbyerna na, kaya nga iniiwasan ko siya kasi nga nalaman ko na gusto ko siya—!"
"Sinong gusto mo?" Pagpuputol ko sa sinasabi niya.
"A-ah.. Yakie, nandito ka p-pala, kanina ka pa riyan?" Tanong niya sa 'kin, namumutla siya.
"Ayos ka lang? May sakit ka ba?" Tanong ko sa kaniya.
Nilagay ko ang likod ng palad ko sa leeg niya, pinagpapawisan din siya kahit hindi naman mainit. Wala naman din siyang lagnat.
"Wala... w-wala akong sakit. N-nagulat lang ako d-dahil bigla ka na l-lang sumulpot."
"Bakit ka nauutal?"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
