Marshmallow
HEIRA'S POV
"Aalis ka?"
Tanong 'yon ni mommy, sabado ngayon, syempre walang pasok, weekends na eh. Mukhang wala siyang ginagawa ngayon tungkol sa work niya.
Nagtataka ang mukha niya, may hawak pa siyang tasa ng kape sa kamay niya, sumisimsim siya do'n ng pakonti-konti. Hindi ko naman siya nakausap kagabi, ni hindi ko nga siya nakasabay kumain. Naiintindihan ko naman siya dahil alam kong marami siyang ginagawa.
"Opo, uhm... kasama ko po ang mga kaklase ko, kaming lahat po magkikita-kita." Simpleng sagot ko.
"Hindi ba kayo nagkikita sa eskwelahan? Bakit? Anong gagawin niyo, nak?" Tanong niya tsaka binaba ang hawak na tasa sa may mini table.
"Yung tungkol po kay Alexis... alam niyo na po 'yon 'diba?" I asked.
Ilang araw na rin ang nakalipas nung sabihin ko sa kaniya ang tungkol sa family ni Alexis. Sabi ko tutulong kami, pumayag naman siya.
She nodded. "Oo nga pala, oh siya, mag iingat kayo ha!" Paalala niya. "Kumain kana ba?" Dagdag niya pa.
Ngumiti ako. "Opo, kanina pa po."
Hindi ko nga alam kung bakit ang aga ko nagising kanina eh mamaya pang alas otso ang usapan namin. Alas syete pa lang ngayon. Alas singko ako nagising, gusto ko pa sanang matulog ulit, ang kaso ayaw na ng katawan ko.
Umupo muna ako, naglaro na lang ako sa cellphone ko para hindi ako mainip, mamaya pa darating ang sundo ko neto. Maaga pa kasi.
Si Xavier kasi ang susundo sa 'kin, kung nagtataka kayo, wala akong bike este hindi ko nauwi ang bike ko. Anong oras na lang kasi kaming nakauwi, nakasarado na ang parking lot, may gate kasi 'yon, wala kaming nagawa kundi balikan na lang ang mga sasakyan namin ngayon, no choice kaya hinatid na lang kami ng iba.
Ang alam ko, dapat ngayong sabado ang acquittance party pero...
-FLASHBACK-
"Mauna na po kami, la, balik na lang po kami bukas." Sabi ko tsaka tumango.
"Oh, siya, mag iingat kayo." Sagot niya.
"Bye, baby Maren!" Sabi ni Kenji, nakahanap ng kalaro ang abnoy, buti na lang talaga mabait si lola kaya kahit nagkalat ang dalawa, hindi niya sinita.
Saglit na oras lang kaming nando'n pero ang dami nilang pinagluran na hindi naman dapat. May kaldero, syanse, kawali, may food pan pa, may chopping board pa silang kinuha. Gumawa sila ng sarili nilang pwesto, tuwang-tuwa naman si Maren sa kalokohan ni Kenji. Buti na lang talaga hindi nila pinaglaruan ang mga ingredients ni lola kung hindi, hays! Itatapon ko na lang sa daan 'tong matsing na 'to.
"Hintayin mo kami bukas, Maren ah." Nagpout pa si Eiya pagkatapos niyang sabihin 'yon, inosenteng tumango naman ang bata.
Lumabas na kami sa karinderya at lumapit sa mga sasakyan naming dala. Napansin kong may kulang sa 'min, do'n ko nakita sina Trina at Jharylle na nag uusap.
"Ms. Young texted me, hindi na muna raw tuloy ang acquittance party, baka next week na lang daw." Walang ganang sabi ni Kayden, siya nga pala ang president namin kaya siya agad ang may alam sa pwedeng mangyari. Ang galing, text-text na lang ah.
"Sabagay, mukhang gahol na sa oras eh." Tumango-tango si Eiya.
"Pa'no yung iba? Baka pumunta sila bukas, ngayon ba nagtext si Ms. Young sa'yo?" Tanong ni Alzhane.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
