Bwisita 2.0
HEIRA'S POV
"Ano naman pong gagawin nila rito?" Tanong ko.
Mag-sstay talaga sila rito ng 2 days. Ayaw na ba sa 'kin ni mommy kaya naghanap siya ng bagong aampunin? Joke lang.
Ano naman kayang gagawin ng dalawang 'to rito sa 'min. Kung sanang pambubwisita lang naman ang gagawin niya ayos lang pero kung dito sila mananatili... ayos lang din.
Kaya pala may dalawang maleta sa sala, akala ko kay mommy, kina Eiya pala 'yon. Dalawang araw lang sila rito pero kung makapagdala ng bagahe akala mo naman pupunta ng ibang bansa.
"I have an out of town meeting, sa Siargao iyon, masyadong matagal ang byahe kaya aabot ako ng dalawa hanggang tatlong araw." Paliwanag ni mommy.
Hindi ako sumagot, hindi ko rin binago ang reaksyon ko sa mukha kahit ang totoo ay nagtatampo ako, tampong wala sa lugar.
Sige sabihin niyong ‘nagtatampo ako sa Manila.’ Para nasa lugar na.
Dalawa hanggang tatlong araw? Really? Masyado ng malawak at marami ang business nina mommy kaya talagang naging mas busy siya ngayon.
Dati pinangarap ko na sana lumago pa ng lumago ang negosyo nila dahil kailangan 'yon sa araw-araw naming buhay. Yon ang makakatulong sa 'min sa hinaharap.
Pero ngayon pinagsisisihan ko na, dahil kung kailan lumago ang negosyo niya ay siya ring pagbabago at pagiging abala nila. Tapos ngayon aalis pa siya.
Dati nakakalabas pa kami para mag-bonding, kumakain sa labas at sumasakay ng rides sa amusement park. Bibili kami parehas ng chocolates at ilalagay sa ice cream.
Ngayon halos hindi na kami mag-usap o magkita man lang. Kung makikita ko naman siya ay lagi siyang nakatutok sa laptop at calculator niya, may sinusulat sa notebook.
Hindi yata ito ang pinangarap ko, akala ko katulad siya ng ibang mga business woman na kayang alagaaan ang negosyo nila habang inaalagaan ang anak nila. Akala ko lang pala 'yon.
Kaya pala maraming namamatay sa maling akala. Ayokong sumunod sa kanila ‘no.
Pupunta siya ng Siargao... malayong isla, tanyag at maganda. Pati pala ro'n nadala ang negosyo nila, ang layo 'no... talagang sikat na ang negosyo nila... sana lang hindi niya makalimutan ang obligasyon niya.
"Anak, hinay-hinay naman sa pagsubo, baka mabulunan ka niyan." Suway ni mommy dahil panay ang pagsubo ko para hindi nila makita ang mga pilit na ngiti ko.
Hindi ako nagsalita, kumuha na lang ulit ako ng panibagong pagkain at nilagay ko na ng nilagay sa bunganga ko tsaka nilagok ang isang basong juice. Saaaarap!
"Una na po ako sa taas, may assignment lang po akong gagawin." Sabi ko bago ilagay sa sink ang plato ko.
"Anong assignment, wala naman tayo nun, Yakie!" Pag-angal ni Kenji.
"Ah wala ba? Ako meron, ako mismo ang gumawa ng assignment kaya ako na rin ang sasagot." Sagot ko sa kaniya
tsaka nilagpasan sila.
Umakyat ako sa kwarto at nagmukmok, broken ako! Char.
Ayoko lang talagang tanggapin ang sinabi ni mommy, kung sinabi niya sana na isasama niya 'ko baka matanggap ko pa kaso hindi eh. Iiwan niya 'ko kasama yung dalawa kong kaibigan.
Kinuha ko yung chocolate na nakatago sa kabinet ko, tatlo nga 'yon eh kaso naubos ko na, kaysa naman mga langgam ang makinabang.
Nagdadabog ako habang kinakain 'yon. Nagmamake face pa nga ako habang nagsasalita ng kung ano-ano, gan'yan talaga ako kapag naiinis.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
