The terror
HEIRA'S POV
Pumasok ang Chemistry teacher namin, salubong ang kilay, konti na lang mag didikit na eh, tapos ang sama pa ng tingin sa mga estudyante.
Terror na nga yung una, terror pa yung kasunod.
Yung totoo, terorista ba ang mga tao dito?
Pabagsak niyang inilapag ang libro at isang folder sa table, dahil sa pagkabigla ay napatili ang iba kong mga kaklase.
Grabe naman ang mga 'to!
“I'm Fernandino Raquesta, I am your Chemistry teacher for this school year, sa klase ko ay laging may recitation, ang hindi makasagot drapaaaawttt!”
Sigaw niya kaya natahimik ang lahat. Tingin ko ay normal lang sakaniya yang expression niya, hindi pa siya galit.
Hindi pa naman masyadong matanda si Sir Raquesta, matangkad, kayumanggi ang kulay ng balat, hindi katangusan ang ilong, at mukhang pinaglihi sa sama ng loob.
Hehe biro lang sir.
“Inaasahan kong may alam na kayo sa mga itatanong ko dahil may mga librong ibinigay sa inyo.”
Walang sumagot.
“Nagkakaintindihan ba tayo?”
“Yes sir.” Napipitang sagot ng lahat.
“You!” turo niya sa isang kaklase kong lalaki na nasa bandang gitna.
“Ako sir?” Tanong niya habang nakaturo sa sarili.
“Yes you, what's your name?”
“Matteo Delivisco sir.”
“Okay.” Sabi ni sir at umupo na si Matteo. “Sinabi ko bang maupo kana?” Sigaw na tanong ni Sir Raquesta at napatayo naman ulit si Matteo.
“Sorry sir.” Nakayukong sabi niya.
“Mister Delivisco, what is Chemistry?”
“Chemistry sir?”
“Kapag inulit ko ang tanong ay bagsak kana.”
Nanlaki ang mata ni Mattheo, halatang nangangapa ng sagot dahil sa pinaglalaruan niya ang mga daliri niya sa kamay.
“I don't know sir.”
“You don't know huh? wala kang maisagot pero nasa First Section ka, aba naman talaga!” Sarcastic na sabi niya habang nakangisi.
“Sorry sir.” Napapahiyang sabi niya.
“Sa susunod ay magbasa ka, sayang naman ang tuition fee na ibinabayad ng magulang mo kung walang laman yang utak mo!”
“Grabe naman 'to.” Bulong ko kay Eiya.
“Shh, baka marinig tayo.” Aniya
“Kayong dalawa d'yan.” Baling niya sa'min. “Hindi ito ng chismisan.” Nanlalaki pa ang butas ng ilong niya.
“You.” Turo niya sa akin.
Tumayo ako, hindi pinapahalata ang kaba. Wag niyo po akong kainin huhu.
“Yes sir?”
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
