1st to 23rd
HEIRA'S POV
Lumipas ang oras, araw, linggo at ang isang buwan. Isang buwan na magmula ng mag umpisa ang klase namin sa Brently Austria University.
Pa'no ko ba ilalarawan yung mga nangdaang araw? Siguro, maganda at maayos ang takbo ng mga araw na nagdaan.
Hindi sa pagmamayabang pero kami ni Zycheia ang nangunguna sa klase namin. Walang tanong na hindi namin nasagot. Perfect ang scores namin sa mga quizzes. Mataas ang nakukuha naming scores sa mga reportings and tasks.
Wala ako o sabihin na nating kaming masyadong naging kaibigan ni Eiya dahil kahit na madaldal kami ay ayos na kami sa pagkakaibigan naming dalawa, ayaw na naming dagdagan pa.
Wala akong nakaaway bukod don sa lalaking nahablutan ko ng purselas. Walang nanggulo, walang nakaingkwentro. Maayos at normal ang lahat ng naging araw ko.
“Ishaaaa!” Sigaw ni Eiya, malayo pa lang ay tanaw ko na siya sa harap ng room namin habang tumatalon talon pa at kumukumpas kumpas ang kamay sa ere.
“Hanggang doon ba naman rinig ko ang boses mo, napakalakas naman ng lalamunan mo 'no?” Natatawang sabi ko, ngumuso naman siya.
“Tara na nga.” Aya niya saka kami pumasok ng room, umupo ako pwesto ko, gano'n rin siya. Nang makaupo ay saka siya nagkwento.
“I have something to tell you.” Panimula niya, hinarap niya pa ako. Nakapahalumbaba siya habang ang siko ay nakapatong sa desk.
“Ano 'yon?” Takang tanong ko, hinarap ko rin siya.
“May ilang students na ililipat sa Section 23.” Sagot niya.
“Eh, ano ngayon?” Walang ganang tanong ko.
“Psh, mga matatalinong estudyante raw ang kukunin at ililipat do'n.” Tugon niya.
“Bakit daw?”
“Eto pa yung narinig ko ha,” pagpapatuloy niya.
Chismosa talaga!
“Ano?”
“Hanggang section 22 lang daw talaga yung sa grade 11, kaso may mga students na medyo alam mo na, mahina ang pag intindi, tapos basagulero pa raw, hindi sila matahimik kung walang nasasapak, kaya ayon inilipat sila, tapos may sarili silang section.” Tuloy tuloy na kwento niya.
Hindu naman ako makapaniwala, “gano'n?” Tumabingi pa ang ulo ko.
“Oo gano'n, ayaw daw nila sa masikip na classroom, I mean yung leader leaderan nila, tapos lahat ata ay kaaway no'n, ang sabi nila maangas, malalakas at higit sa lahat gwapo raw ang mga 'yon.” Dagdag niya pa.
“Eh, kung ayaw pala nila ng kasama sa room, bakit naman maglilipat ang mga nasa university ng mga students do'n, malay ba natin kung pati yung mga ililipat, bubugbugin din.” Suspetsa ko naman.
“Ang narinig ko, kaya matatalinong students ang ilalagay do'n dahil nagbabakasaling matulungan daw nila ang mga estudyanteng nando'n.”
“Weird.” Ani ko na lang.
“Oo nga eh, pero tama naman, malay mo naman, makatulong sa kanila yung mga ililipat, malay mo naman magbago at matauhan at serysohin nila yung studies nila, 'diba?” Aniya pa.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
