CHAPTER 11

29 5 0
                                        

Comfort Room

HEIRA'S POV

Ibalik niyo na 'ko sa upuaaaan ko!!!

Natapos ang unang klase namin ng wala akong naintindihan, walang pumasok na kahit na anong salita sa utak ko.

Bukod kasi sa mahina at malumanay ang pagsasalita ng teacher namin, sumabay pa ang pagbabangayan at bulungan ng mga katabi ko. Wala akong ginawa kundi ang mag drawing ng kung ano - ano sa likod ng notebook 'ko.

Pinipilit kong i - focus ang attention ko sa teacher pero wala talaga, naagaw netong mga katabi ko, minsan pa nga ay kinakalabit ako ni Vance, si Xavier naman humahagikgik, si Asher naman kausap si Adriel na walang ginawa kundi ang gumamit ng hindi ko maintindihang lenggwahe, mukhang naiintindihan naman ni Asher.

Yung mga nasa harap nagkuwentuhan, yung nasa likod naglalaro, habang si Kayden, ayun! Ngingitingiti sa cellphone niya. Gusto ko na sanang tumayo at bumalik sa dati kong bangko pero nahuhuli ako ni Xavier o di kaya ni Kayden na may tingin na 'wag mo ng babalakin pa'.

Ang ending, eto puno ng sulat ang likod ng notebook ko ng kung ano - ano tapos parang lutang pa 'ko.

Nakakabwisit ang mga mokong na 'to!!!

Tumayo ako dahil puno na ang pantog ko. Bago pa man ako makalagpas sa pwesto ni Xavier ay pinigilan niya na 'ko.

“Sa'n ka pupunta?” Tanong niya.

“Cr.” Tipid na sagot ko, tinanguan niya naman ako.

“Hoy, sa'n punta mo?” Tanong naman ni Eiya ng malapit na 'ko sa may pinto.

“Mag c - cr lang ako, saglit lang.” Tugon ko saka pinakita ang palad ko na nagsasabing 'wait lang'.

“Sabay na 'ko, may bibilhin lang ako.” Sabi niya tumango naman ako.

Sabay kaming bumaba ng hagdan dahil lahat ng building sa university ay parang natambakan nung ginawa kaya ayan, may hagdan. Hindi naman bukas ang cr nila dito dahil iisang roon lang naman ang ginagamit kaya kailangan ko pang lumipat sa comfort room na available, hindi 'yon nakasama sa isang building, nakahiwalay kumbaga.

Nagkahiwalay din kami ni Eiya dahil kumanan siya, mukhang pupunta ng School Supplies Area. Ako naman ay dumeretso na sa may daan papuntang CR.

Tuloy - tuloy na sana ako ng biglang...

Anak ng, nadulas ako!

Ang sakit sa pwet no'n ah, pati sa balakang ko, basa pala yung sahig. Tumayo ako habang hawak ang balakang ko.

Masakit talaga shitang'na!!

Bakit ba kasi basa yung sahig dito, hindi man lang marunong magpunas. Humawag ako sa may pader at tumuloy na sa cr.

Pumasok ako sa isang cubicle saka ako do'n nagwiwi, malinis, mabango, maayos, kumpleto ang gamit, may tissue saka sabon pa.

Ako lang nasa loob ng CR ngayon, dahil na rin siguro ay oras ng klase, may available na limang cubicle dito. Habang inaayo ko ang uniform ko, may narinig akong kakaibang tunog, tapos naramdaman ko na lang na sumara na ang pinto ng C.R.

Lumabas ako ng cubicle saka naghugas ng kamay, inayos ko rin ang hindi ko nasuklayang buhok.

Buhaghag!

Buhok pang aswangit

Palabas na sana ako pero...

Hala bakit naka lock?

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now