CHAPTER 62

24 3 0
                                        

Free Kiss

HEIRA'S POV

"WOOOH!" Nabitawan ko ang hawak ko at tumakbo agad sa kusina. Kinuha ko sa loob ng ref ang isang pitsel ng tubig at nilagok 'yon.

Naiiyak ako, hindi dahil masakit ang sugat ko kung hindi dahil sa sakit at anghang ng bibig ko. Naluha na lang ako at suminghot dahil may tubig na lumalabas sa ilong ko.

Panay ang pagbuga ko sa hangin dahil do'n. Hindi ko alam kung gano'n lang talaga ang lasa no'n o dahil mali ang pagkalaluto. Hindi ko alam.

Ramdam ko talaga yung init sa buong bibig ko, dinamita talaga. King ina!

Umiiyak akong lumabas at lumapit sa iba habang nakaawang ang bibig, hindi ko yata kayang isara dahil mahapdi.

"Oh, napa'no ka?" Natatawang tanong ni Adriel. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ayan, ang takaw mo kasi, napapala mo!" Sabi ni Eiya at tumawa.

Tumawa si Xavier habang tinitignan ang itsura ko. "Ano, buhay ka pa ba?" Tanong niya. Sumabat naman si Vance.

"Maanghang ba?" Tanong niya.

Oo, gago!

"Gatas bisa ka?" Hindi ko alam kung nagtatanong ba si Adriel o ano, hindi ko naman maintindihan ang sinabi niya.

Ano daw? Bisa? Yon ba yung kailangan para makasakay ng eroplano?

Hindi ako sumagot sa kanila, dinampot ko ulit yung nabitawan ko kanina, sayang naman! Kawawa naman ako dahil yung pagkain ko ay pagpipyestahan na ng mga langgam.

Kinuha ko 'yon at inilahad sa harap ni Vance. "Tikman mo ng malaman mo, bwisit ka!" Inis na sabi ko.

Itatanong ba naman daw kung maanghang, malamang sili 'yon eh, gago lang?

"Biro lang, sa'yo na kawawa ka naman." Sabi niya at tumawa.

Inambahan ko siya ng suntok, umiwas siya at tumakbo. Lumapit ako kay Kenji at hinablot ang hawak niyang cookies, hanggang ngayon ata ay hindi niya pa rin nauubos ang dala niya. Isang pack o isang timba ba ang dala niya?

Ang anghang talaga, bwisit!

Alam ko kasing chocolate at gatas ang pangremedyo sa maanghang. Kinuha ko ang bag ko at nilabas ang isang chocolate bar. Walang tingin-tingin sa iba ay kinain ko 'yon, napapikit pa 'ko nung malasahan ko 'yon. Suminghot pa 'ko.

"Penge!" Si Kenji naman ang nanghablot ng kinakait ko, kagat-kagat ko pa 'yon!

"Ay putcha, sinong nagbalot neto, hindi tinganggalan ng buto!" Ani Vance habang hawak ang isang dynamite, mukhang pati siya nakakain no'n. Bagay! Maanghang ba?

"Tinatanggalan pa pala ng buto?" Inosenteng tanong ni Kenji.

Mukhang alam ko na kung sinong may sala.

"Anak ng... ikaw may gawa neto?" Tanong ni Vance sa kaniya, pinisil pa ang hawak kaya lumabas ang laman no'n.

Kumamot sa ulo si Kenji at kumagat sa chocolate KO. "Akala ko ilalagay lang yung cheese tapos ibabalot na." Sagot niya. Nakaltukan ko na lang siya dahil sa inis.

Nakailang mura pa kami ni Vance sa kaniya, tumakbo na lang siya nung lumapit sa kaniya. Ang sarap niyang ibitin patiwarik. Ngayon hindi ko alam kung alin sa mga 'to ang may buto sa wala.

Kaya pala kumain na lang siya kanina kasi hindi marunong gumawa no'n. Nangealam pa siya tapos reject pala ang gagawin niya.

Natampal ko na lang ang noo ko, isip bata pa talaga siya, hindi niya alam ang ginagawa niya, alam niya lang yata ay ang pagiging instant ninja.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now