CHAPTER 102

23 3 0
                                        

Mahal

SHIKAINAH'S POV

Anong oras na ba?

Bakit hindi pa nagriring ang bell, dapat ay oras na ng klase ngayon ah pero tignan mo naman ngayon, kumakanta pa rin si Xavier. Sana lang ay hindi siya mamaos dahil ilang kanta na ang kinanta niya.

Apat na kanta.

Panlima na itong kakantahin niya.

"Hindi ka ba namamaos?" Mahinang tanong ko sa kaniya.

Lumiwanag naman ang mukha niya dahil sa paglipas ng mahabang panahon ay kinausap ko siya. Nalaglag pa ang panga niya habang nakatingin sa 'kin.

Akala ko ay kung anong gagawin niya, iinom lang pala siya ng tubig na nasa tumbler niya. Binasa niya pa ang buhok niya tsaka pinagpag iyon sa hangin.

Ang gwapo niya....

Iyon lang ang masasabi ko ngayon, alam kong gwapo na siya dati pa pero mas gumwapo pa siya ngayon, gumanda ang katawan niya... umayos ang buhok niya ay mas lalo siyang pumuti.

Ang hirap pala kapag matagal na lumayo ang loob mo sa isang tao, hindi mo siya matignan kaya naman maninibago ka na lang bigla sa itsura niya.

"‘Wag mong masyadong tignan, baka natunaw." Bulong sa 'kin ni Heira tsaka tumawa.

"H-hindi ko siya tinitignan." Pagtanggi ko.

Nagsisinungaling nananaman ako.

"Tinitititigan lang?" Aniya pa. Hindi ako sumagot dahil uminit ang pisngi ko.

"Ang gwapo raw eh!" Parinig ni Trina.

"Sa'n ba banda ang pagkagwapo niyan?" Pang-aasar ni Alzhane.

"Mukha siyang mangkok!" Gatong naman ni Heira tsaka sila nagtawanan, pati ako ay natawa na lang din.

"Hoy! Naririnig ko kayo ah!" Sigaw sa kanila ni Xavier na para bang hindi magkalapit.

"Syempre may tenga ka, boplaks!" Gitil ni Trina.

"Kanina ka pa ah! Itulak kita riyan sa kinauupuan mo." Banta ni Xavier.

Ngumuso naman ang babae kaya naman mas natawa ako. "Shikainah, oh.." Pagsusumbong niya sa 'kin.

Umiling-iling lang ako habang natatawa sa kanila.

"...Sige tawanan mo 'ko, ihampas ko sa labidabs mo 'tong gitara na 'to eh." Sabi niya pa.

"Hindi ko siya labidabs." Sagot ko.

"Foul 'yon ah."

"Sakit no'n."

"Sagot ko na ang alcohol kahit yungg green cross lang."

"Walang iiyak kapag broken ah."

"Wala na 'to, wala ng chance."

Iyon ang narinig kong pangangantyaw ng iba kay Xavier, siya naman ay madramang nakahawak sa dibdib niya na animo'y nasaktan ng sobra sa sinabi ko.

"King ina niyo! Isusumpa ko kayo!" Sigaw niya sa mga kaibigan niya.

Pinagtawanan lang siya ng mga 'yon, pati nga si Kayden ay tumawa na rin, napakaseryoso ng lalaking iyon, ang hirap patawanin o kaya ay pangitiin man lang. Laging nakapoker face o masama ang tingin.

"Samahan ka pa namin." Panghahamon ni Vance.

"Gusto mo, ipatawas pa kita." Sabi ni Timber.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon