CHAPTER 30

28 3 0
                                        

English class

HEIRA'S POV

"Anong ginagawa mo d'yan?"

Sa isang iglap ay nasa harap ko na ang Dark 13, seryoso ang mukha ni Kayden, at nakangiti naman ang iba pa.

Lumabas ako sa pinagtaguan kong pagkabaho-baho, tumayo ako ng tuwid tsaka inayos ang uniform ko.

Kalma, Heira.

"Wala, napadaan lang." Sagot ko, bawal kabahan, Heira, mahahalata ka!

"Napadaan, pero nakatago ka d'yan?" Tanong ni Adriel.

"Sa'n ka naman pupunta kung napadaan ka lang?" Tanong ni Maurence.

"Napadaan ka pero nakachillax kang nagtatago d'yan sa may basurahan." Gatong ni Jharylle.

"Napadaan ka lang pero—!"

"Hep! Hep! Hep!" Pigil ko sa sinasabi ni Alexis, ikinumpas ko pa ang kamay ko sa ere para patigilin sila. "Nakita ko lang kayo, okay?" Tumatabinging ulo na ani ko.

"Ah, talaga?" Sarkastikong sabi ni Vance, gustong gusto ko siya ngayong lapitan at kaltukan ng pagkalakas lakas, hinayupak na 'yan!

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ulit ng leader nilang kulapo.

"Napadaan nga lang kasi!" Sagot ko.

"Bakit ka nagtatago?" Mahinahong tanong ni Adriel.

"Nakita ko kasi kayo hehehe." Sagot ko.

"Do we look like police so you're hiding from us?" Walang emosyong sabi ni Elija'ng masungit! Pinaglihi kasi sa ampalaya!

At ano kamo sila? Pulis tapos nagtatago ako sa kanila? Ano ako? Kriminal? Bigwasan ko kaya 'tong bwisit na 'to?

"H-hindi ano, uh..." Hindi ko na alam ang isasagot ko sa dami ng tanong nila, nanghuhuli kasi talaga ang tono nila, napakamot na lang ako sa batok ko tsaka nag iwas ng tingin.

"Oh, edi wala kang maisagot, ayahaaay!" Gitil ni Xaviet tsaka tumawa, siya lang ang tumawa dahil lahat ng kasama niya ay seryosong nakatingin sa'kin.

Tumawa lang siya ng tumawa, humawak pa sa tyan ang kamay niya, galing yatang mental 'tong tao na 'to eh, napakababaw ng kaligayahan, sa sobrang babaw paghihinalaan mo ng baliw.

Hindi talaga siya tumigil kaya nainis ako, lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng kaltok, nanahimik naman siya habang hawak ang parte ng ulo niyang kinaltok ko. Isang kaltok lang naman pala ang katapat mong bwisit ka.

"Bakit mo kami sinusundan?" Tanong ni Kayden! Ang talim ng tingin, kung kutsilyo lang ang tingin niya, baka duguan na 'ko ngayon.

"Anong sinusundan?" Maang maangan na tanong ko, sinenyas ko pa ang kamay ko na nagsasabing 'wala akong alam d'yan'

"Nakita kita kanina pa..." Sabat ni Asher, sinamaan ko siya ng tingin, pinanliitan ko siya ng mata, umatras pa ang gago dahil sa sama ng tingin ko! Pahamak kasi ang bwisit!

"So, again, why are you following us?" Timber asked.

"Ano k-kasi, a-ano, a-ah basta yon..." Wala sa sariling sagot ko. "Bwisit naman oh." Bulong ko sa gilid ko.

"Except from moving to our section, is following us also part of what you and the dean talked about?" Seryosong tanong ni Kayden, parang nauubusan na ng pasensya dahil sa mga walang kwentang sagot ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now